Maymay Entrata, Aaron Haskell unfollow each other on Instagram – Entertainment News

Dumagdag ba sa talaan ng showbiz breakups si Maymay Entrata at foreigner boyfriend nitong si Aaron Haskell?

Ito ay matapos mapansin ng netizens na in-unfollow na ni Maymay si Aaron sa Instagram.

Maymay Entrata, foreigner boyfriend Aaron Haskell unfollow each other on Instagram

Kung susuriing maigi ang Instagram feed ng Kapamilya singer-actress, burado na rin ang lahat ng larawan nila ni Aaron.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Aaron naman ay may zero following na rin sa Instagram. Ibig sabihin, hindi na rin siya naka-follow sa girlfriend.

Maymay Entrata, foreigner boyfriend Aaron Haskell unfollow each other on Instagram

Valentine’s Day ng taong 2022, ipinakilala ni Maymay sa publiko ang kanyang foreigner boyfriend sa pamamagitan ng pagpu-post ng kanilang couple picture.

Kuha iyon sa Canada kunsaan nagbakasyon si Maymay.

CONTINUE READING BELOW ↓

“Happy Birthday my Valentino,” simpleng caption ni Maymay sa hugging photo nila ng nobyo.

Magkayakap sila sa litrato kaya malinaw na espesyal ang relasyon ng dalawa.

Noong January 31, 2022, unang ipinahiwatig ni Maymay na “Aaron” ang pangalan ng kanyang nobyo.

Base ito sa winter photos ng Kapamilya star sa Canada na ang inilagay niyang pangalan ng photographer ay “Aaron.”

Read: Maymay Entrata discloses relationship with foreigner; Luis tells Maymay, “Ipakilala mo naman sa akin.”

June 2022, ipinaramdam ni Maymay ang lubos na saya dahil napatunayan daw niya ang pagmamahal ng foreigner boyfriend sa loob ng ilang buwang nanatili siya sa Canada.

Bukod sa pag-aaral niya sa isang acting school, doon sa Canada nakabase ang foreigner boyrfriend niya na si Aaron.

Read: Maymay Entrata discloses relationship with foreigner; Luis tells Maymay, “Ipakilala mo naman sa akin.”

“Very mature na siya, sobrang madiskarte siya sa buhay, very mapagmahal sa family.

“Awww… Napaka-caring niya talaga, hindi lang sa salita, pati sa gawa,” kinikilig na sambit ni Maymay sa Star Magic Inside News na umere sa YouTube noong June 8, 2022.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya sa paglalarawan sa nobyo: “Ang maganda dun, pag consistent yung taong nagmamahal sa iyo, araw-araw kang napu-fall, hindi lang sa umpisa.

“Oh my god! Ganito pala ang feeling na ako naman yung priority.”

Read: Maymay Entrata on boyfriend: “Ganito pala ang feeling na ako naman yung priority.”

Noong nakabalik na si Maymay sa Pilipinas, balik sila sa regular na pagbi-video call nila ng boyfriend.

“Natural na sa amin yung leave the phone on. Kahit natutulog ako, andiyan lang siya nagtratrabaho,” ani Maymay.

Pero aminado siyang malaking hamon ang pagpasok sa long-distance relationship.

Paliwanag ng dalaga, “Ang hirap pala. Kahit na iwasan mo na parang movie, pupunta ka dun, OA [sa pag-iyak].

“Alam mo yung mas masakit kasi alam mong inalagaan ka nang maayos, inilagaan niya yung puso mo…

“Dun ako masyado nasaktan kasi medyo nag-depend na ako sa kanya dun sa feeling mo na secure ka.”

Read: Maymay Entrata on relationship with Aaron Haskell: “Sobrang hirap po ng LDR.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

February 14, 2023, Valentine’s Day, kaarawan din ng boyfriend ni Maymay na si Aaron, isang madamdaming post sa Instagram ang ibinahagi ng “Amakabogera” singer para sa kanyang Canada-based boyfriend.

Mensahe ni Maymay (published as is): “Wishing a happy birthday and valentine’s day to the most handsome, humble, wise, and patient man I know.

“You have an amazing way of making me feel beautiful and cherished, even during tough and challenging moments.

“Your unwavering commitment to helping me heal and grow from past traumas is a testament to your deep love and devotion.”

Nagpasalamat si Maymay sa nobyo dahil sa suporta nito at respeto sa lahat ng kanyang ginagawa.

Gayundin sa pagiging “partner” nito at “true love” sa kanya.

Aniya, “I’m grateful for your steadfast support and respect for all that I do, and your love for me is a true reflection of God’s love.

“I thank God for blessing me through you. Our journey together in faith is a beautiful blessing, and experiencing true love, peace, and joy with you is more precious than any material wealth. Thank you for being my partner, and true love. [heart emoji]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maymay Entrata calls boyfriend Aaron Haskell her “true love” on Valentine’s Day

Wala pang pahayag si Maymay ukol sa pag-unfolow nila ni Aaron sa Instagram.

HOT STORIES

Leave a Comment