Lindsay Custodio will make a showbiz comeback – Entertainment News

Magiging aktibo na uli sa showbiz ang singer-actress na si Lindsay Custodio.

Ito ang kanyang ipinahiwatig nang makita siya ng PEP Team sa Viva Entertainment office noong Miyerkules, Pebrero 28, 2024.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Lindsay, sinabi nitong handa na siyang bumalik sa showbiz dahil malalaki na ang dalawang anak nila ng kanyang pumanaw na asawa— si former Tanauan, Batangas Vice-Mayor Julius Platon.

Binawian ng buhay si Julius dahil sa atake sa puso noong Nobyembre 18, 2018.

Read: Lindsay Custodio’s politician-husband Julius Caesar Platon II dies

Read: Lindsay Custodio and Julius Caesar Platon II’s love story

Nang sumakabilang-buhay ang unang asawa ni Lindsay noong 2018, muli siyang nagpakasal makalipas ang apat na taon sa isang Filipino-Canadian businessman na Canada-based.

Pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama dahil humantong ito sa hiwalayan.

Nagkaroon si Lindsay ng isang life-changing experience na dahilan para unahin at lalo niyang mahalin ang sarili.

Sa edad na 45, magandang-maganda pa rin si Lindsay na nagnanais ding maging aktibo sa pagkanta.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ang posibilidad na mangyari ito dahil may recording company ang talent management company na napili niyang mamahala sa kanyang showbiz career—ang Viva Artists Agency.

Alumna si Lindsay ng Ang TV, ang youth-oriented program ng ABS-CBN noong dekada ’90. Siya ang nagpaalaala sa Cabinet Files na batchmate niya si Jay Manalo sa naturang programa.

Read: Jay Manalo, binalikan ang short stint niya sa youth-oriented show Ang TV

Nahasa naman nang husto ang talento ni Lindsay sa pagkanta nang maging mainstay siya ng ASAP ng ABS-CBN at ng SOP ng GMA-7.

Makulay ang kuwento ng buhay ni Lindsay na puwedeng isadula ng Magpakailanman dahil kapupulutan ng maraming leksiyon sa buhay.

Pero maisasakatuparan lamang ito kung papayag siyang ibahagi sa publiko ang “life-changing experiences” na nalampasan niya dahil sa kanyang matibay na pananalig sa Panginoong Diyos.

CONTINUE READING BELOW ↓

Leave a Comment