Kelvin Miranda apologizes over chewing-gum incident – Entertainment News

Humingi ng dispensa sa publiko ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda matapos pag-usapan sa social media ang pagnguya niya ng chewing gum sa national television.

Noong February 27, 2024, nag-guest sina Kelvin at Beauty Gonzalez sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime para i-promote ang pelikula nilang After All.

Read: Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, tuloy ang love team sa After All

Kung babalikan ang nasabing episode, mapapansin nga ang madalas na pagnguya ni Kelvin ng chewing gum habang pinu-promote nila ni Beauty ang pinagbibidahang pelikula.

Kelvin Miranda issues public apology over chewing gum incident

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, maraming netizens na nakapanood sa naturang episode ng It’s Showtime ang nag-call out sa kanya.

Ayon sa netizens, hindi kaaya-ayang panoorin ang hindi mahintong pagnguya ni Kelvin ng chewing gum.

Nakakawalang respeto rin daw ito lalo na’t kinakausap siya ng mga host na sina Amy Perez at Karylle.

Tweet ng isang netizen (published as is),”Parang goat tong si Kelvin Miranda. Nasa national tv chew ng chew ng gum. Kaloka ka boy! Hi daw say ni eme. Chur!”

CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng isa, “It’s unethical- pag sabihan sya dapat na it’s not cute #kelvinmiranda

Bago ang insidente sa It’s Showtime, mayroon na ring netizens ang nakapansin sa madalas na pagnguya ng chewing gum ni Kelvin nang um-attend ito sa red-carpet premiere ng After All noong February 26.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kelvin Miranda more comfortable doing intimate scenes with Beauty Gonzalez

KELVIN EXPLAINS

Mabilis na nakarating kay Kelvin ang mga puna sa kanya ng netizens.

Sa pamamagitan ng Facebook noong February 28 ay humingi ng paumanhin ang aktor sa fans niyang na-disappoint.

Inako rin ni Kelvin ang kanyang pagkakamali at nilinaw na wala siyang intensiyong magpapogi at bastusin ang sinuman.

Ipinaliwanag din niya na ang pangnguya ng chewing gum ang kanyang paraan para pakalmahin ang sarili sa tuwing siya ay kinakabahan.

Mababasa sa FB post ni Kelvin (published as is), “Pag nguya ng gum sa premier at tv. Opo ako nga po ito.

“Kalma lang po kayo, wala naman akong gustong bastusin or tapakan na moral dito.

“Sakin lang ay bago pa po sakin ang pakiramdam ng lahat di ko alam paano i handle ang emosyon at lahat ng pangyayare. Idinaan ko nalang sa pag che-chewing gum.”

Read: Kelvin Miranda uncomfortable talking about “brilyante ng tubig” viral photo

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip ng paliwanag ni Kelvin ang paghingi niya ng sorry at ang pangakong hindi na niya ito uulitin.

Aniya, “Wag kayo mag aalala humihingi ako ng pasensya sa lahat at hindi na mauulit.

“Naging coping mechanism ko siya which is not good. Hindi ko siya ginagawa para magmukhang gwapo or pagpapagwapo sadyang duon ko binubuhos ang panginginig ng katawan ko dahil sa dala ng nerbiyos.

“Hirap ako i manage ang nararamdaman ko nung mga oras na yun.

“Again pasensya na sa lahat ng nakapuna. Salamat sa pag puna nito gawin kong aral at hindi na masundan pa ng ibang pagkakataon.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓


Leave a Comment