Guy with no sex experience has 25 kids – Entertainment News

Walang interes sa sex si Drew Sollenberger, 38, ng Maryland, USA.

Ang mga tulad niya ay tinatawag na asexual o aces.

Isang software engineer, nawalan si Drew ng interes sa pakikipag-sex nang sumapit siya sa edad na 22.

Hindi siya attracted sa mga babae, at lalo rin namang hindi siya naaakit sa kapwa niya lalaki.

Ang kanyang kakaibang sitwasyon ay ibinahagi ni Drew sa Facebook Page ng news website na Punch Newspapers noong August 15, 2023.

Read: Teenager steals horse; attempts to hide it in his third-floor apartment

Photo of Drew Sollenberger

Read: Dambuhalang sawa sa Calasiao, Pangasinan pinaghahanap

Aniya, sa kabila ng kawalan niya ng romantic or sexual attraction to either sex, teenager pa lang siya ay gusto na niyang maging isang ama.

Nagkaroon kasi ng anak ang isa niyang kapatid na babae noong 18 anyos ito.

Nag-volunteer si Drew na mag-alaga sa pamangkin.

Aniya, noon niya na-realize na mapagmahal pala siya sa mga bata.

“My only real complaint was the volunteering I had was more short-term.

“I’d watch a kid for a day, I’d be involved in this activity, and the kid would move on with their life.”

Read: 14-year marriage about to end due to wife’s one-night stand with younger guy

NAGING SPERM DONOR

Natuklasan ni Drew ang tungkol sa Known Donor Registry, isang website na nagkokonekta sa mga pamilya at infertile couples sa sperm donors.

Sumali rin siya sa Facebook group na Sperm Donation USA.

Sa pamamagitan nito, naging sperm donor si Drew noong edad 22 siya, at nagkaroon na ng 25 anak.

May regular contact siya sa walong bata, na nasubaybayan niya ang paglaki simula noong ipinabuntis sila ng kani-kanilang ina and even after isinilang sila.

Nami-meet niya ang mga ito isang beses sa isang buwan.

Read: These toy cars are more expensive than brand-new cars

Pagbabahagi ni Drew, noong una ay gusto sana niyang madalas na nakikita ang kanyang ang mga anak.

Pero siya na rin ang naglagay ng pader sa pagitan nila.

Paliwanag niya, “People will just lie to you and say they want contact when they don’t.

“So it’s better to tell them, ‘I’ll give you what level you want, so that you will tell me what you actually want’ rather than me getting up my hopes and then having them dashed over and over.”

Read: Lady orders poppy flowers; gets puppy-shaped bouquet

TITO O NINONG ANG PAKILALA SA MGA NAGING ANAK

Inamin naman ni Drew na wala siyang interes na kumita sa pagiging sperm donor.

Ang totoo, gusto niyang magkaroon ng standard nuclear family.

“But to do that, I have to get married and I decided that I was not going to get married.

“I still wanted to have a child.”

Sa kasamaang palad, ang kanyang pagmamahal sa mga bata at pangarap na maging ama ay kontra naman sa kanyang sexuality.

“I just never dated anyone, never wanted to, never met anyone I’m remotely interested in, which I’m fine with. And that upset me.”

Read: Corded landline phone, going obsolete? Wait, Gen Zs go gaga over it

Ayon pa kay Drew, ang pakilala sa kanya ng parents ng kanyang mga naging anak ay tito o kaya ay ninong siya ng mga ito.

Photo of Drew Sollenberger with kids

Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits most imaginative reactions

“Pretty much all the kids call me uncle, except for the two that call me godfather, which is practically the same relationship under a different name.

“But generally, I’m the uncle. I’m the fun guy who comes and plays with them, usually about once a month.”

May mga parents na pinapayagan naman siyang bumisita nang madalas sa kanyang mga naging anak.

Pero siya na rin ang umiiwas na maging close sa mga ito.

“I try not to visit more than once a month.”

Read: Lalaki bitbit ang buong pamilya sa kasal; nag-cause ng “inconvenience”?

Inamin din ni Drew na nagplano siya noon na magbayad sa magiging surrogate mother para magkaroon siya ng anak.

Bandang huli, naisip niyang hindi ito option dahil mahihirapan siyang magpalaki ng anak lalo pa’t ang pera niya ay ipinagkakaloob niyang lahat sa kawanggawa.

Read: HOT TOPIC: Lady walks out on date after knowing the guy lied about his age

Leave a Comment