Diego Loyzaga admits Sofia Andres is his TOTGA – Entertainment News

Inamin ni Diego Loyzaga na ang former onscreen partner at girlfriend niyang si Sofia Andres ang kanyang TOTGA o The One That Got Away.

Ito ang inamin ni Diego sa “Truth or Dare” segment ng YouTube vlog ni Aiko Melendez noong February 29, 2024.

Ang TOTGA ay pagtukoy sa taong pakiramdam ay siya ang “the one” pero sa huli ay hindi nakatuluyan.

Tanong ni Aiko kay Diego, “Pumili ng isa—Barbie Imperial, Sofia Andres, Franki Russell, and Julia Montes—sino sa kanila ang maituturing mong The One That Got Away?”

Mabilis na sagot ng aktor, “Sofia Andres.”

Paliwanag ni Diego, masasabing TOTGA niya si Sofia dahil sa pagkakamaling nagawa niya noon sa aktres.

Masyado pa raw kasi siya noong bata kaya hindi niya napanindigan ang relasyong mayroon sila ni Sofia.

Ani Diego, “Ang laki talaga ng pagkakamali ko kay Sofia. I wish it didn’t happen.

“I’m very open naman about it, that I made a really big mistake. I was a kid, I was twenty or twenty one years old [that time].”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi man binanggit ni Diego ang tinutukoy niyang malaking pagkakamaling nagawa niya kay Sofia, masaya na raw siya ngayon sa buhay na mayroon ang kanyang ex-girlfriend.

Kasalukuyan nang may partner si Sofia—ang race car driver na si Daniel Miranda, ang ama ng kanya ring anak na si Zoe Natalia.

Read: Sofia Andres has no regrets about getting pregnant at age 21

Pagbabahagi ni Diego, aware siya sa kasalukuyang estado ng puso at buhay ni Sofia at ikinatutuwa raw niya ito dahil noon pa man ay pangarap na raw talaga ng aktres na magkaroon ng pamilya.

Sabi ni Diego, “I’m so proud. I’m so happy for her.

“I remember when we were together pa, the things that she has now, ayun yung mga binabanggit niya nung time na yon na sana magkaroon siya, and she has everything now.”

Read: Diego Loyzaga explains why he does not believe in marriage

Natanong din ni Aiko kung nagkaroon ba sila ng tiyansang magkita ni Sofia matapos nilang maghiwalay.

CONTINUE READING BELOW ↓

“I haven’t seen her, never seen her,” sagot ni Diego.

Gayunpaman, gumawa naman daw noon si Diego ng paraan para magkaroon sila ng closure ni Sofia.

“I remembered the last time that I saw her, I went to where she was and I tried to seek closure and, yes, this is long time ago,” pagbubunyag ni Diego.

DIEGO-SOFIA BREAKUP

Noong 2017 nang magkasama sina Diego at Sofia sa ABS-CBN afternoon prime series na Pusong Ligaw.

Dito rin sila nakitaan ng chemistry onscreen hanggang sa mauwi sa totoong relasyon. Walang direktang pag-amin ang dalawa kung kailan naging sila.

Read: Diego Loyzaga laughs off rumored breakup with Sofia Andres

Hanggang noong May 2018, ibinunyag ni Sofia sa isang exclusive interview niya sa Push na hiwalay na sila ni Diego.

Desisyon daw nilang dalawa na tuldukan na ang kanilang relasyon dahil may mga bagay silang hindi mapagkasunduan.

Sabi noon ni Sofia, “Okay na po kami nang separate, mas okay po sa amin. Kasi pag magkasama kami, laging nagka-clash po kami, mas better na.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“And okay naman din sa akin, mabilis akong mag-move on. Ang ginagawa ko na lang, ina-avoid ko po yung tao, kahit po yung mga connected sa kanya.

“Wala ring social media hangga’t maaari. Kasi dati po ako, lagi akong naka-social media, so nakikita ko rin. Honestly ngayon, hindi kami friends kahit sa Instagram and Twitter.”

Ikinuwento rin noon ni Sofia kung bakit sila nag-break ni Diego.

Sabi niya, “Nung after po nung Pusong Ligaw [2017] kasi… there are times na okay po kami, there are times na nagka-clash talaga.

“E, siguro po, iba po kasi yung wavelength namin, e. Iba rin yung lifestyle niya at yung lifestyle ko.

“Hindi pa po kami nakakapag-usap nang seryoso. Pero meron pong nangyaring usapan before, pero magulo po, e.”

Hanggang noong 2019 nang mapabalitang dumaan sa depression si Diego at nagtangka pa diumanong kitilin ang sariling buhay.

Read: Teresa Loyzaga opens up about son Diego

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinalungkot ito ni Sofia nang minsang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night ng iWant series na Bagman, na ginanap sa Trinoma noong March 19, 2019.

Sabi noon ni Sofia tungkol sa nangyari kay Diego, “Kasi mayroon siyang depression.

“Actually, we have depression before, anxiety, which is normal for us.

“Siguro sa kanya, sa mga pinagdadaanan niya sa life, I don’t know kung ano ang nangyari sa kanya, pero I’m not quite surprised.”

Hindi naman itinago ni Sofia na naiyak siya nang nalaman ang nangyari sa ex-boyfriend.

Pero hindi raw siya gumawa ng hakbang para makausap si Diego dahil wala na nga silang relasyon.

“Sobra, I cried, but I didn’t try to call anyone. It’s not my responsibilty anymore.

“Mahirap ding ma-involve kasi dati sobrang gulo.”

Read: Sofia Andres thinks Diego Loyzaga should not come back to showbiz yet

Samantala, ngayon ay bukas nang ibinabahagi ni Diego na nalampasan na niya ang matinding dagok na pinagdaanan niya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Diego Loyzaga opens up about struggles inside rehab center

Ngayon ay masaya na raw siya at inspirado na magpatuloy sa buhay dahil sa anak niyang si Hailey.

Read: Diego Loyzaga does not want daughter Hailey to experience what he went through as a child

Leave a Comment