Shake, Rattle & Roll Extreme 18+ version now streaming on Netflix – Entertainment News

JERRY OLEA

R-13 ang rating ng Shake, Rattle & Roll Extreme nang ipalabas noong Nobyembre 29, 2023 sa local cinemas.

2 hours, 27 minutes, 41 seconds ang running time ng Regal horror trilogy na tinampukan nina Iza Calzado, Jane Oineza, RK Bagatsing, at Jane de Leon.

Read: Shake, Rattle & Roll Extreme uunahan ang mga nakapasok sa MMFF 2023

Ang reason/s ng MTRCB sa R-13 classification ng Shake, Rattle & Roll Extreme, “The film contains depictions of horror, frightening scenes and occasional gore, infrequent and non-graphic depiction of violence and suffering, mature themes of alien zombies that may not be suitable for children below thirteen (13) years of age.”

Ang tatlong members ng Review Committee para sa nasabing pelikula ay sina Jennifer Seares, Malou Choa Fagar, at Juan R. Revilla.

Streaming na sa Netflix umpisa ngayong Marso 1, Biyernes, 2024, ang Shake, Rattle & Roll Extreme, at 2 hours 27 minutes ang running time nito.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang rating nito ay 18+ dahil sa Violence.

Read: Shake, Rattle & Roll Extreme R-18 version ipalalabas sa Netflix worldwide

Ngayon ding Biyernes ang umpisa ng streaming ng erotic trilogy na EKS sa Vivamax.

Ma-L ang bida rito na si Yen Durano — Lisa sa “Ekspresibo” episode ni Direk Roman Perez Jr., Lara sa “Eksperto” ni Direk Omar Deroca, at Lilak sa “Eksperimento” ni Direk Sigrid Polon.

Maka-Sining ang una at ikatlong episode.

Sa unang episode ay pintor si Ardo (Felix Roco), at modelo niya ang kasintahang si Lisa.

Nakakagulantang ang kapangahasan dito ni Ayah Alfonso bilang biyudang si Mrs. Nebres, na ang eme ni Ardo ay kahawig ni Mercedes Cabral.

Sa ikatlong episode ay installation artist si Lilak. Nagsyuting ito sa Paete, Laguna na tinaguriang Woodcarving Capital of the Philippines.

Ewan kung bisexual si Lilak. Nakipagharutan siya kay Gabo (Itan Rosales), at kapagkuwan ay kay Akio (Audrey Avila). Ang ending siyempre ay menage a trois.

CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ikalawang episode ay vlogger si Sexy Lara, na bini-video ang pakikipagtalik sa iba’t ibang lalaki. Fubu niya si Dex (Albie Casiño). Open relationship ang namamagitan sa kanila, walang commitment.

Nadonselya ni Sexy Lara ang 20-anyos na si Chess (Gabriel Fernandez), at nakipagtikiman din siya kina Marcus (Chester Grecia) at Benj (RR Lopez).

Ang EKS ay nilikha ni Direk Roman Perez Jr., na may cameo sa second episode. Associate producer si Wilma Hollis.

Line producer si Mary Ann S. Perez. Producer si Engr. Grace Cristobal. Supervising producer si Niña Castro.

Wala sa credits ang mga pangalan nina Vic del Rosario Jr., Vincent del Rosario III, Valerie del Rosario at/o June Torrejon-Rufino.

GORGY RULA

Ang Top 10 ngayon sa Vivamax ay Salisihan, Kabit, Salitan, Higop, Sugar Baby, Eva, Katas, Dilig, Palipat-lipat Papalit-palit, at Salawahan.

Noong Pebrero 27, Martes, nag-umpisa ang streaming ng Salisihan.

Junior creative producer nito si John Paulo Santos. Associate producer si Dianne Asuelo. Supervising producer si Niña de Castro.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Kabit na nag-streaming umpisa Pebrero 23, Biyernes, credited as associate producer si Endi “Hai” Balbuena. Producer si Krisma Maclang Fajardo.

Sa Salitan na nag-streaming simula Pebrero 16, producers sina Louie Alcantara, Irene Querubin, at Jeffrey Kwong. Line producer si Mary Ann Perez. Associate producer si Wilma Hollis.

Maging sa Takas na nag-streaming noong Pebrero 13, Katas na nag-streaming noong Pebrero 9, Dilig na nag-streaming noong Enero 30, Pantasya ni Tami na nag-streaming noong Enero 26, Palipat-lipat Papalit-palit na nag-streaming noong Enero 19, at Room Service na nag-streaming noong Enero 16, ay wala na ang pangalan ng mga Del Rosario sa credits.

Sa Salawahan na nag-streaming noong Pebrero 2 ay nakalagay pa si Valerie del Rosario bilang creative consultant, si June Torrejon-Rufino bilang supervising producer, si Vincent del Rosario III bilang producer, at si Vic del Rosario Jr. bilang executive producer.

Iyong Salawahan na ba ang huling Vivamax project na nakalagay sa credits ang mga pangalan ng mga Del Rosario?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nakatatlong taon na ang Vivamax, na nag-umpisa noong huling linggo ng Enero 2021. Wala itong kakumpetensya sa paghahatid ng mga “makasalanang pelikula.”

Sumubok ang AQ Prime na tapatan ito umpisa Agosto 8, 2022, na sakop ng Ghost Month. Tumigil ang streaming ng AQ Prime makalipas ang 13 buwan, noong Setyembre 20, 2023.

Ang pralala ng AQ Prime ay babalik sila makalipas ang humigit-kumulang 150 araw. Noong Pebrero 17 ang ika-150 araw ng pamamahinga ng AQ Prime.

For sure, may dahilan kung bakit hindi pa bumabalik ang AQ Prime, at kung bakit hindi na nakalagay sa credits ng Vivamax projects ang names nina Boss Vic, Vincent, at Valerie del Rosario.

Leave a Comment