Nakatanggap ang isang presinto ng pulisya sa Wejherowo, Poland ng “emergency call” noong February 23, 2024.
Ayon kay Anetta Potrykus, tagapagsalita ng District Police Headquarters, sa panayam ng Radio Gdansk, sinabi ng tumawag na may lalaking teenager na iniaakyat ang isang kabayo sa hagdan ng isang multi-family building.
Inakala ng mga pulis na isang clever prank lang iyon.
Pero hindi tumatawa ang nasa kabilang linya.
Halata rin sa boses nito ang pagkabahala.
Ayon pa sa tumawag ay malaking kabayo ang nakita nito at ng iba pang residente sa hagdanan ng building kaya kailangan nila ng police assistance.
Read: Food delivery service ng isang Misamis Occidental resto, ang gamit ay kabayo!
Read: Babae, nag-order sa fast-food drive-thru sakay ng kabayo
Kahit nag-aalanganin, nagpadala ang pulisya ng team para mag-imbestiga.
Kaya gayun na lang ang gulat ng mga pulis nang matuklasang totoo nga ang sinasabi ng caller.
Naabutan pa nilang iniaakyat ng lalaking teenager ang kabayo sa hagdan, at nakikipagtalo ito sa ilang naninirahan sa building na pinipigilan ito.
Agad itong tumakas at iniwan ang kabayo nung nalamang may mga pulis.
Read: Teenager napatay dahil sa away sa sweet-and-sour dipping sauce
Napag-alamang 19 anyos ang teenager na hindi na pinangalanan.
Ninakaw pala nito ang kabayo, at ang plano ay itago ito sa kanyang apartment na nasa third floor ng building para hindi makita ng may-ari.
Napailing na lang ang mga pulis dahil hindi naisip ng teenager na mahihirapan itong alagaan sa two-bedroom apartment nito ang kabayo kahit pa maipanhik niya ang hayop sa third floor.
Sa pagtataya ng mga pulis, ang halaga ng kabayo ay nasa US$3,800 (PHP213,446).
CONTINUE READING BELOW ↓
Kinumpiska ng mga pulis ang kabayo, at naisauli na sa may-ari na hinahanap na rin pala ito.
Read: 14-year marriage about to end due to wife’s one-night stand with younger guy
Read: Lady orders poppy flowers; gets puppy-shaped bouquet
Walang naging pinsala ang kabayo sa pag-akyat at pagbaba sa hagdan. Pero ayon sa may-ari, nagkaroon ang kabayo ng trauma sa nangyari dahil naging uneasy ito nang ibalik sa kuwadra.
Para naman sa “genius” na teenager na nagtangkang itago ang kabayo sa kanyang apartment, nasakote rin ito ng mga pulis nang magbalik sa building makalipas ang ilang oras.
Sinampahan na siya ng kasong pagnanakaw.
Posible siyang mabilanggo sa loob ng limang taon batay sa batas ng Poland.
Ayon sa mga nakakakilala sa teenager, sadyang problemado ito.
Madalas din itong makita sa mga kuwadra, at minsan na ring naaktuhang nagnanakaw ng kabayo.
Read: Painted cow agaw-eksena sa Valentine’s Day 2024