Ang tinaguriang Asia’s Timeless Diva na si Dulce ang isa sa mga Filipino singer na nananatiling pareho ang timbre at tunog ng boses mula nang mag-umpisa siya sa larangan ng pagkanta.
Limang dekada na ang nakararaan, pero taglay pa rin ni Dulce ang ganda ng boses sa pagkanta. At isa ito sa hinahangaan sa kanya, lalo na ng mga singer sa henerasyong ito.
“Alam mo kapag pinupuri ka, siyempre nakakatuwa. Pero, it’s something na hindi ko puwedeng iyabang,” saad ng 62-year-old singer.
“I always acknowledge the gift talaga. Kasi, kung wala yan, hindi naman ako makakaabot dito.
“It’s really something that is really special and the Lord entrusted to me, di ba?
“Kapag regalo, aalagaan mo. Kapag bigay sa yo, aalagaan mo.
“Kaya kapag meron bumabati, pumupuri, and most often talaga, ang tanong palagi, ‘Paano ako tumagal ng ganito? Paano ko naalagaan?'”
Kung bibilangan daw mula sa unang recording niya sa Cebu, may 51 taon na siya sa music industry.
Labing-anim na taon naman siya nang kantahin niya ang theme song ng pelikula ni Lorna Tolentino na Miss Dulce Amor, Ina noong 1978, at dun na rin siya nabinyagan ng screen name na Dulce Amor o Dulce kalaunan.
Sa loob ng limang dekada, hindi na mabilang ang mga konsiyertong nagawa ni Dulce sa loob at sa labas ng bansa.
Watch: Martin Nievera, Pops Fernandez, Dulce, Ricky Davao, nag-perform sa huling gabi ni Mario Bautista
ON JOSE MARI CHAN
Nang tanungin ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kung sino ang gusto niyang maka-collab sa singers ngayon, dito lumabas na naranasan na pala niyang matanggihan dati ng kapwa singer.
“Wala naman, kasi noon, meron akong isang pangarap noon, tinanggihan ako,” pag-amin niya.
Si Jose Mari Chan, na ang palayaw ay Joe, ang tumanggi sa kanya.
Kalaunan, nadiskubre ni Dulce kung bakit tinanggihan siya ni Jose Mari.
Lahad niya, “Si Jose Mari Chan is a very dear friend of mine.
CONTINUE READING BELOW ↓
“Nakakatawa siya kasi meron akong fundraising show. Para sa isang dear friend na kailangan talaga ng tulong.
“Si Joe, unang-unang nagbigay ng tulong. Tapos, gusto rin niyang kumanta. E, ang favorite song ko sa kanya, ‘Refrain.’
“Noong kumanta na siya, kinuha ko ang mikropono. Pumunta ako sa likod ng kurtina. Lingun-lingon siya, bumubulong naman ako.
“Tapos, masaya siya. Tinawag niya akong lumabas.
“Kaya sabi ko, ‘See, I can sing with you na hindi kailangan na nalulunod.’ Yun ang fear pala niya noon.”
Naging paborito raw niyang talaga si Joe Mari Chan dahil sa kanta nitong “Refrain.”
Read: Dennis Padilla reveals separation from live-in partner; sends financial support to kids
UPCOMING CONCERT
Sa March 8, 2024 sa Music Museum ang pagbabalik ni Dulce sa isang solo major concert na pinamagatang Dulce Solid.
“Well, kasi there are original Filipino songs na hindi ako ang nag-record, pero ang ganda ng mensahe nila.
“Actually, isinulat ng nag-discover sa akin sa Manila, si George Canseco.
“So, there are beautiful songs talaga na hindi ko pa rin narinig na kinanta ng some of our singers,” sabi niya.
Ayon sa director ng Dulce Solid na si Calvin Neria, may kakatantahin si Dulce na pinasikat ng isang sikat na sikat na banda.
Kasama rin sa listahan ang theme song ng isang teleserye na kinanta naman ng dalawang belter.
“Dun pa lang, exciting na,” sabi ni Calvin.
Ang writer ng concert ay si Noel Ferrer, at si Bobby Gomez naman ang musical director nito.
Kaabang-abang ang pagbabalik ni Dulce sa concert scene, lalo pa nga’t may walong taon na niya itong hindi ginagawa.
Pero, bakit nga ba siya nawala sa paggawa ng concert sa loob ng mga taon na yon?
Ayon kay Dulce, “Actually, almost ten years.
“Sa concert scene, siguro, meron kasing mga nangyayari na gusto mo lang huminga. Tapos, may mga bagay na, sige, sort out na lang muna.
“Kasi yun ang mga bagay na hindi lang naman dahil sa kanta or hindi mo nagawa ang gusto mo or kailangan mong ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi bagay sa yo, pero they feel na kaya mo.
“Yung kaya, given yon.”
Pagpapatuloy niya, “Hindi naman sa pagyayabang, pero there are things, there are songs that I value kasi may connection.
“Ayoko kasi na nanonood sila para lang mailabas diyan. Something that is connected. Ayoko nung walang saysay, basta kinanta.
“Sayang ang two minutes, sayang ang three minutes.”
Nakapag-release daw si Dulce ng isang full album noong panahon ng pandemic. Ito raw ang kauna-unahan niyang digital album.
“Di ba, meron kaming album, may cassette, may CD.
“Sabi ko, ‘Paano yan, kung mamimigay?’ Yun naman pala, kahit na magbigay ka, kung wala na rin player, di ba?
“So, talagang sometimes, sa edad ko, it takes time bago ko mailipat ang utak ko na, oo nga pala, ganito na nga pala.
“So, lahat ng help na kailangan ko, mga anak ko na. Nire-remind ako na, ‘Ito na ang panahon, Mama.'”
Read: Engaged couple Catriona Gray and Sam Milby “facing some challenges in their relationship”
ON DULCE’S TITLES IN THE MUSIC INDUSTRY
Nakakabit kay Dulce ang mga titulong “National Treasures” at “Asia’s Timeless Diva.” Nararamdaman niya iyon?
“Actually hindi!” natawang sabi ni Dulce.
“Nauso na lang din siguro and may nagbibigay. Actually, yung Timeless na yan, si Ricky Lo ang nagbigay niyan.
“In-announce na lang ni Vice Ganda during It’s Showtime nang i-introduce ako as one of the hurado.
“Noong una naman, yung Ageless Diva, ang former manager ko, namatay na, si Angie Magbanua. Nagagalit siya na, ‘You have to have this and that. Siyempre to present you.’
“Yung National Treasure, alam mo, si Maestro Ryan Cayabyab ang nagbanggit niyan na isinulat ni Nestor Cuartero. Of course, nakakakilabot na isipin na ganun.
“I just know that there’s this gift that is God-given and you have to take care. Huwag mo siyang sayangin.”
Habang kausap namin si Dulce, dalawang bagay ang lumutang na naging mas pagkakakilanlan namin sa kanya — ang pagiging Kristiyano at ang pagmamahal niya sa bansang Pilipinas.
Parehong may koneksiyon dito ang sagot ng singer sa tanong namin kung ano pa ang mga gusto niyang magawa.
Ayon kay Dulce, “Well, nilu-look forward ko lang kasi, even before na ito, talagang sabi nga ni Direk, pinilit niyang magkaroon ako ng concert, kasi I’m looking forward to the future concert na I’ll really honor God.
“Na-visualize ko na it’s all going to be all inspirational, all praise and worship songs. To lift up our country. To pray for our country.”
Read: Aktres, natuklasang may kinakasamang babae ang lalaking pinakasalan niya
ON NORA AUNOR
Hiningan din namin ng reaksiyon si Dulce sa kondisyon ng Superstar na si Nora Aunor na hindi na nakakakanta ngayon. Unang sumikat si Nora sa pagkanta noong late ’60s.
“Actually, nakakalungkot talaga,” sabi ni Dulce.
“Pero, I don’t know kasi, di ba, nakakapagsalita naman siya?
“Kasi ako, ang intindi ko, kapag nakakapagsalita ka, makakakanta ka. Hindi ka naman totally nawala, e. The moment you speak, you have the voice.
“Baka kailangan lang ng dagdag inspiration or, you know, yung mga kaibigan na mai-inspire siya to sing again.
“Ang ganda pa ng boses ni Nora. Walang katulad ang boses nun.”
Nakikita ba ni Dulce ang sarili na mawawalan din siya ng motivation kumanta balang-araw?
Sagot ng veteran singer, “Hindi, kasi I will continue—well, yun nga, ang training ko talaga, every waking moment of my life, I’ll just sing my harana to the Lord, all the time.
“Even the National Anthem, that’s my harana to God. To lift up the country to God.
“I declared myself to be an intercession for the country. I don’t have to be part of an organization or a group.
“To be an intercession for the country, you’re praying for your country.”