Walang mapagsidlan ang saya at pasasalamat ng singer, songwriter, at actor na si JK Labajo sa mga tagahanga niyang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
Ito raw ang dahilan ng patuloy na paglago at tagumpay ng kanyang showbiz career.
Read: JK Labajo’s new album contains “all the songs for love turned into songs for sadness”
Kaugnay nito, tinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay JK ang ilan sa fan encounters na maituturing niyang espesyal at hindi makakalimutan.
Pagbabahagi niya, “Sobrang dami.
“Pinakamasaya actually is yung mga minsan may out-of-the-country shows kami, tapos biglang may fan na nasa eroplano rin tapos pupunta doon sa country na yun para lang manood.
“Like ako, ‘What?’ May show kami sa U.S. [United States] tapos taga-Pinas siya pero pupunta siya sa U.S. para lang manood.
“Kahit ako nabibigla na ta’s tatanungin ko siya, ‘Kakapanood mo lang sa akin doon sa Mandaluyong, bakit ka manonood sa U.S.?’ [Ang sagot niya], ‘Wala lang, para mapanood kita.’
“Di ba, kahit wala namang pinagkaiba?”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph si JK sa Summit Media office sa Mandaluyong City, noong Martes, February 27, 2024.
Read: JK Labajo, Zack Tabudlo, other Universal artists’ songs no longer available on TikTok
Mayroon din daw “wild” encounter si JK sa ilan niyang tagahanga.
Kabilang na rito ang maranasan niyang batuhin, sirain ang bintana ng sinasakyan niyang sasakyan, at lapitan ng isang fan na nakahubad.
Pagbabalik-tanaw ni JK, “Meron ding wild stories. Like, yung mga nagtatapon ng underwear sa bintana ng hotel [na tinutuluyan ko], mga ganyan.
“Meron din one time tumakbo palapit sa amin sa hallway na nakahubad galing elevator.
“Tapos one time, sinira yung bintana ng van na sinasakyan namin. Marami pa actually, as in sobrang dami.”
Read: JK Labajo reveals hit song “Ere” inspired by breakup with Maureen Wroblewitz
Pero sa lahat ng karanasan ni JK, may isa raw siyang hinding-hindi talaga makakalimutan.
CONTINUE READING BELOW ↓
Ito ay nang mawalan siya ng underwear at makitang ibinebenta ito online.
Natatawang kuwento ni JK, “Parang one time… we had a show and then all of a sudden, nawala yung underwear ko.
“Kasi nagbibihis kami. Usually, right after the show, nagbibihis kami.
“Kasi ako, sobrang pawisin akong tao… we change. And all of the sweaty clothes were put somewhere.
“So, one time, nawala yung underwear ko. Okay [sabi ko], ‘Ang weird, saan kaya napunta yun?’
“Tapos we found out kasi pinost sa Facebook na for sale.
“[Nakalagay pa] ‘Underwear ni JK.’ Tapos parang times five yung presyo ng underwear.
“Tapos parang nakalagay pa ata sa description na ‘never been washed.'”
Dagdag pa niya, “Actually, maraming mga stories. Sobrang dami… Crazy encounters.”
Read: Instagram official? JK Labajo exchanges “love yous” with Miss Universe PH 2024 candidate
Iba-iba man daw ang paraan ng mga tagahanga ni JK ng pagpapakita ng suporta sa kanya ay ipinagpapasalamat daw niya ito.
Patunay lang daw itong nagagawa niya nang tama ang kanyang trabaho na makapagbigay saya at inspirasyon.
Sabi ni JK, “Yeah, all of these things, it’s really hard to try to imagine why certain people react that way. But, at the end of the day, I appreciate any kinds of reactions.
“Whether they’re bad or good, the reactions, that’s nice because, you know, it’s nice to think that people out there are really spending a lot of their time and efforts in supporting you and following whatever trip it is you’re doing with your life.
“Kung mayroong wild, marami rin naman magagandang bagay. Super dami din, like, sinasamahan ako sa mga charities.
“Super dami at lahat yon naa-appreciate ko.”
Read: HARD LAUNCH: JK Labajo posts sweet photo with rumored girlfriend Dia Mate on Valentine’s Day