Ano ang gagawin mo sa pera kapag nanalo ka sa lotto o nabigyan ng mana?
Iba-iba ang sagot ng tao sa tanong na ito—para sa sarili, para sa pamilya, at may bahagi ng pera na gagamitin para itulong sa iba.
Maingay na balita recently ang tungkol sa isang 93-year-old widow na nag-donate ng $1 billion o higit sa PHP56 billion, para sa isang medical school sa U.S.
Dahil dito, naging “tuition free” ang campus na ito para sa mga mag-aaral nito at para sa mga magiging future students nito.
Ang sponsor ay si Ruth Gottesman, na ibinigay ang nakalululang halaga ng pera sa Einstein College of Medicine sa Bronx, New York City sa U.S.
Ang regalo ni Ruth ang “largest ever” na ibinigay sa isang U.S. medical school, ayon sa statement na inilabas ng mismong school.
Read: Surot at NAIA? MIAA confirms receiving complaints; apologizes
Ruth Gottesman, who donated $1 billion to Albert Einstein College, used to be a pediatrics teacher in the campus and remains chair of the board of trustees.
Hindi naman nakapagtataka kung bakit pinili ni Ruth ang Einstein dahil dati siyang pediatrics teacher sa school.
Siya rin ang kasalukuyang chairperson ng board of trustees ng campus.
Pambihira ang kuwentong ito ni Ruth na nakuha ang napakalaking yaman mula sa pumanaw na asawa.
Ipinamana kay Ruth ang bilyun-bilyong halaga ng pera ng kanyang mister na si David “Sandy” Gottesman, na namatay noong 2022 sa edad na 96.
Si Sandy kasi ay investor sa Berkshire Hathaway, Inc., isang American multinational conglomerate holding company.
Pagmamay-ari ito ni Warren Buffett, 93, kilalang American businessman, investor, at philanthropist.
Kaibigan at katrabaho ni Sandy si Warren.
And for the longest time, investor si Sandy sa Berkshire Hathaway, Inc.
Noong 2022, si Sandy ay mayroong net worth na $3 billion.
CONTINUE READING BELOW ↓
Hindi biro ang matrikula sa U.S., lalo na pagdating sa medical school.
Read: Forbes Park homeowners selling their billion-peso mansions, why?
RUTH ANNOUNCES DONATION BEFORE THE ALBERT EINSTEIN STUDENTS
Nakapangingilabot ang isang short video na ipinost online nang i-announce ni Ruth ang magandang balita sa mga estudyante.
Makikitang nagbibigay ng speech si Ruth sa isang hall.
“I’m happy to share that starting in August this year, the Albert Einstein College of Medicine will be tuition free.”
Nagtalunan, naghiyawan, nagpalakpakan, at naiyak pa sa tuwa ang mga nasa bulwagan.
Obviously, life-changing ito para sa mga estudyante.
Read: How much it costs to stay at this Boeing 737 transformed into private jet villa
Students and teachers at the Albert Einstein College of Medicine celebrate after Ruth Gottesman announces she will donate $1 billion to the school.
Sabi ni Ruth, “I am very thankful to my late husband, Sandy, for leaving these funds in my care, and l feel blessed to be given the great privilege of making this gift to such a worthy cause.”
Sabi sa ulat, mare-reimburse ng mga nasa fourth year ang kanilang binayarang tuition, at ang mga estudyanteng nasa lower years ay hindi na magbabayad ng matrikula.
Binanggit din sa report na ang year tuition sa nasabing eskwelahan ay tinatayang $59,000 o PHP3.3 million a year.
Ito ang dahilan kung bakit marami sa mga estudyante ang nagkakautang.
Pero dahil sa donasyon ni Ruth, suwerte ang mga current medical students at ang mga makakapasok at makakapag-enroll dito.