Michael Cinco praises Heart, Pia amid controversial IG Stories – Entertainment News

Curious ang maraming netizens kung sino ang pinapatutsadahan ng renowned Filipino designer na si Michael Cinco sa post nito ukol sa influencers at starlets na gustong makipag-“collab” sa kanya pero ayaw magbayad.

Ang ibig sabihin ni Cinco ay mga kilalang personalidad na nais isuot ang kanyang creations. Pagkatapos ay babanggitin lang sa kanilang posts na siya ang designer, pero hindi magbabayad sa nilikha niya.

Ang Dubai-based Filipino designer ay nakilala dahil ilan sa mga nilikha niyang damit ay isinuot ng international stars tulad nina Jennifer Lopez at Beyonce. In-demand designer din siya ng mga mayayamang tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

Read: Michael Cinco criticizes “influencers and starlets” asking for free outfits

Dahil sa pasaring ni Cinco recently, naintriga ang netizens. Nakiliti ang kanilang imahinasyon kung sino ang celebrities o influencers na kanyang tinutukoy.

Ito ang dahilan kung bakit nag-abang sila sa Instagram accounts ng dalawang kilalang Filipino celebrities/social media influencers — sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Heart, tinaguriang Kapuso Queen of Creative Collaborations, ay nakikilala ngayon bilang influencer sa international fashion industry.

Read: FIRST LOOK: Heart Evangelista wows at vow renewal ceremony in stunning Elie Saab couture

Si Pia naman, bilang Miss Universe 2015, ay naiimbitahan at nakakapunta sa international fashion-week events.

Read: Unmatched Pia Wurtzbach: Her journey from Miss Universe to Mrs. Jeremy Jauncey

Inuusisa ng netizens kung kabilang ba sina Heart at Pia sa pinaparinggan ni Cinco.

Pero nahimasmasan ang fans ng dalawa nang magkomento si Cinco sa posts nina Pia at Heart, na parehong dumalo sa Milan Fashion week this week.

Read: Here’s what Pia Wurtzbach, Heart Evangelista wore at the Fendi show in Milan

MICHAEL PRAISES HEART and pia

Nakahinga nang maluwag ang supporters ni Pia dahil makailang beses nag-iwan ng papuri si Cinco sa IG posts ng former Miss Universe ukol sa pagdalo nito sa Milan Fashion Week.

Tila assurance ito sa fans na hindi si Pia ang pinasaringan ng kilalang Pinoy fashion designer.

CONTINUE READING BELOW ↓

“Stunning…” komento ni Cinco sa IG post ni Pia noong February 22, 2024.

Ang suot ni Pia ay isang body-hugging light blue and long satin dress.

comment

“Love it…” sumunod na komento ni Michael sa post ni Pia noong February 24, 2024 kung saan nakasuot ang beauty queen ng black top and black-and-maroon-striped crocheted skirt.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

comments

Sa comment ni Cinco ay sumagot ang supporters ni Pia. Assurance para sa kanila ang komento nitong hindi kasama si Pia sa mga tinukoy niyang personalidad na hindi nagbabayad.

“the only comment that matters periodttt,” published as is comment ng isang supporter ni Pia ukol sa papuri ni Cinco.

“Oh ayan ha! Tigilan nyo na issue nyo kay M5 [Michael] at Pia,” komento ng isa pa. “Hindi si pia yung nasa IG stories ni mama M5.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Banat pa nito sa mga nandadamay kay Pia, “Mga fake news peddler.”

comment

“So classy…” papuri ni Cinco sa February 26 post ni Pia, na nakasuot ng sleeveless top at jumper.

Ang iba pang netizens ay nag-iiwan ng komento sa IG posts ni Pia para tanungin siya ukol sa pinag-usapang post ni Cinco.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Maagap namang rumesponde ang supporters ni Pia para linawin sa nagtatanong na hindi ang beauty queen ang tinutukoy ng Filipino fashion designer.

comments

Si Cinco rin ang gumawa sa glittering blue gown ni Pia noong Miss Universe 2016.

Nag-iwan din si Cinco ng komento sa isang IG post ni Heart noong February 23, 2024 na kuha rin sa Milan Fashion Week.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So classy and gorgeous…” komento ni Cinco sa outfit ni Heart na one-piece black bikini na layered ng isang black fur coat.

Sumagot pa si Heart dito ng “aww thank you see you soon.”

comment

Sunud-sunod naman ang komento ng supporters ni Heart. Patunay raw ang comment ni Cinco na hindi si Heart ang kanyang pinasaringan sa kanyang post.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ng isa kay Cinco: “Thanks for making this comment. Some ignorant commenters were insinuating that Heart was among those “Filipino celebrities and influencers who asked fellow local designers for free outfits.” This comment disproves that notion.”

Komento ng isa pa (published as is): “wow!! Thanks Michael Cinco Oh ayan legit yan!!! Next collab nila abangan na!”

comment

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

comment

comment

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

MICHAEL CINCO’S CONTROVERSIAL IG STORY

February 20, 2024, sunud-sunod ang IG story ni Cinco tungkol sa ilang celebrities at influencers na gumagastos daw ng malaki para sa kilalang brands ng damit sa Europe.

Ikinalungkot daw ni Cinco na mas ipinagmamalaki pa ng mga personalidad na ito ang luxury fashion items kesa sa likha ng Pinoy designers.

Himutok ni Michael, lalapitan ng mga personalidad na ito ang Pinoy designers kapag nagpapagawa sila ng custom-made outfits nang libre.

Mensahe ng fashion designer, “It’s quite ironic how these celebrities proudly wear these designer clothes, but when it comes to Filipino designers, they suddenly want everything custom-made for them for FREE…”

Pagpapatuloy niya, “Everytime some influencers and starlets ask me if I wanna do their wedding dress or red carpet dresses for collaboration or for FREE…

“I always tell them— WHAT A WONDERFUL LIFE… BEAUTIFUL THINGS in this world are not FREE… In other words… MAGBAYAD KA!!!”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Leave a Comment