Kumpirmadong “dating” ang status ng aespa member na si Karina, 23, at K-drama actor na si Lee Jae Wook, 25.
Ang mismong kinabibilangang agencies ni Karina na SM Entertainment at ni Jae Wook na CJes Studios ang nagkumpirma nito sa publiko ngayong Martes, February 27, 2024.
Ayon sa ulat ng Korean online news site na Soompi, ang pag-amin ng dalawang talent agencies ay nangyari matapos ilabas ng Korean news outlet na Dispatch sa exclusive report nitong may espesyal na namamagitan sa dalawang South Korean stars.
Sabi pa sa ulat ng Dispatch, dahil sa pagsasama nina Karina at Jae Wook sa fashion show ng isang designer brand sa Milan, Italy, noong January 14, 2024, ay nakilala nila ang isa’t isa at “they fell in love at first sight.”
Inilabas din ng Dispatch ang mga litratong kuha nila na magpapatunay kung gaano kadalas nagkikita nang pribado sina Karina at Jae Wook.
CONTINUE READING BELOW ↓
“The two are getting to know each other.
“Lee Jae Wook is currently filming [a drama], and as this involves his private life, we ask for warm respect to be shown,” maikling pahayag ng CJes Studios.
Dagdag naman ng SM Entertainment, “Karina and Lee Jae Wook are getting to know each other.”
Si Jae Wook ay nakilala sa mga K-drama series na Extraordinary You (2019) at Alchemy of Souls (2022).
Habang si Karina naman ay nag-debut sa aespa, kasama sina Winter, Giselle, at Ningning, noong November 2020.
Kilala ang aespa sa mga kanta nilang “Next Level,” “Black Mamba,” “Spicy,” “Savage,” at “Drama.”