Tanyag ang Forbes Park bilang “most desirable address” kaya’t nakakagulat na 311 sa mga bahay dito ay kasalukuyang “for sale”.
Base ito sa isang post noong February 3, 2024, sa Facebook page na Money-Go-Round by Victor C. Agustin.
Si Agustin ay kilalang kolumnista ng Philippine Star.
Sa parehong post, binanggit din ni Agustin na batay sa 2015 census, mayroon lamang 514 kabahayan sa elite subdivision sa Makati. Kaya’t kung susumahin, halos 60% ang bilang ng ibinibentang bahay.
Ang nakakalula pa, halos lahat ng mga listing ay nagkakahalaga ng bilyong piso.
Nag-scout si Agustin sa mga real-estate platforms tulad ng Lamudi at dotproperty.com, nadiskubre niyang ilan sa mga properties for sale ang may asking price na PHP3.5 billion. Ang pinakamura ay PHP400 million.
Read: How much it costs to stay at this Boeing 737 transformed into private jet villa
HOME OF THE RICH AND FAMOUS
Ang Forbes Park ay kilala bilang upscale community.
Tinagurian bilang one of “Metro Manila’s Most Exclusive Villages,” ilan sa mga superstar homeowners ay sina Manny Paquiao, Gretchen Barretto, Richard at Lucy Gomez, at Tessa Prieto-Valdez.
Gayunman, ang multi-billion mansion ng mga Pacquiao sa Forbes ay matagal nang ibinebenta.
Read:
Taong 2014 pa nais ibenta ng boxing champ ang Forbes Park property matapos makatanggap ng reklamo mula sa kanyang mga kapitbahay tungkol sa mga bisitang dumarating sa kantang tahanan in “shabby clothing.”
Ang tinutukoy na mga bisita ay mga constituents ni Pacquiao mula pa sa Sarangani, kung saan nanungkulan siya bilang representative mula 2010 hanggang 2016.
Humihingi noon ng paumahin si Pacquiao sa mga kapitbahay dahil hindi tugma sa panlasa nila ang pananamit ng kanyang mga bisita.
CONTINUE READING BELOW ↓
Kalaunan ay nagdesisyon din siyang maghanap na lamang ng ibang property na malilipatan.
Nabili ng mga Pacquiao nang cash ang kanilang mansion na nakatirik sa 2,000-square-meter land sa halagang PHP388 million noong 2011.
Unang in-offer ang three-storey and five-bedroom home sa halagang PHP708 million noong 2014.
Sa latest update ng Digido.ph noong October 2, 2023, PHP3 billion na ang current price nito.
Read: Australian equestrian wears only G-string while riding; almost loses chance to join Olympics
WHY FORBES HOMEOWNERS ARE LEAVING
Bukod sa personal na dahilan, tulad ng kina Manny at Jinkee Pacquiao, bakit nga ba nag-aalisan ang mga nakatira sa Forbes Park?
Sa isang article na inilathala ng propertyreport.ph noong April 16, 2021, binanggit na isa sa mga dahilan ng mga “billionaire homeowners” ay “shifts in investments and changes in lifestyle, partly due to the COVID-19 pandemic.”
Ayon naman sa mga property experts na kanilang kinonsulta, isa pang rason ang “estate planning, the need to divide inheritance and even mortality itself.”
Samantala, nagbigay ng iba’t ibang kuro-kuro ang netizens na nag-comment sa post ng Money-Go-Round.
Hinuha ng isa (published as is), “Many of the Lolo’s and Lola’s who used to live here are dying or moving to nursing homes perhaps?”
Hirit naman ng isa pa, “Napapalibutan na sila ng high rise building so basically nawalan na sila ng privacy plus hindi na mukhang pang mayaman kung pag tingala mo building.”
Mayroon ding nag-suggest na: “The most plausible explanation: nag-aaway ang mga anak sa mana! Kaya ibenta na lang. cash ibigay sa mga anak! The first generation Forbes Park residents are in their twilight years.”
Narito pa ang ilan sa mga opinyon na iniwan sa comment section:
“… seems third generation cant sustain the maintenance, real estate taxes and fees no more…practical and logical to cash out on an already over ripe/ mature market…”
“The former exclusive main access road of McKinley is forever a traffic bottleneck teeming with hoi poloi on motorbikes.”
“Been to these high end villages in Makati. Big houses but with few people feeling empty is heightened, plus outside this villages you have neighbors you dont see at all and so it feels very lonely.
“Id rather live in a high end apartment close to people than be in a mansion of sadness”
Mayroon ding hindi sumang-ayon at nagsabing, “not accurate” ang post ni Victor Agustin.
Si Victor C. Agustin ay komentaristang karaniwan tumutuligsa sa mga isyu tungkol sa mga pinakamayayamang personalidad at pamilya.
Bagamat maraming reviews sa kanyang page ay pinupuri ang mga birada ng journalist, may ilan ding hindi sang-ayon at tinatawag ang kanyang nailathalang artikulo bilang “irresponsible” at “wrong.”
Isa rito ay ang claim niya noong May 19, 2020: “Another Lopez Firm Made P24.6B Profit But Only Paid 10M Income Tax.”
Mariing pinabulaanan ito ng noo’y senior vice president, treasurer, and CFO ng First Philippine Holdings Corporation na si Emmanuel P. Singson.
August ng parehong taon nang si Raffy Lopez, kapatid ng dating ABS-CBN Chairman Emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III, naman ang umalma sa akusasyon ni Mr. Agustin that he was “getting himself regular facials in the San Francisco Bay Area,” while his brother “was going through the congressional wringer over its failed franchise bid.”