Beauty Gonzalez, Teejay Marquez play mother and son in After All – Entertainment News

JERRY OLEA

Sa pelikulang May-December-January (2022) ni Direk Mac Alejandre, naging magkaribal ang mag-inang Claire (Andrea del Rosario) at Pol (Gold Aceron) sa puso ni Migoy (Kych Minemoto).

Read: Husay sa pag-arte ni Andrea del Rosario, lumutang sa pelikulang May December January

Hindi bago sa local movies na pinag-agawan ng isang ina at ng anak niyang accla ang isang makisig na hombre.

May ganoong dynamics sa pelikulang Stardoom (1971) ni Direk Lino Brocka, kung saan tinuhog ni Joey (Walter Navarro) ang mag-inang Carlo (Tita Muñoz) at Raf (Jimmy Morato).

Sa pelikulang After All (2024) ni Direk Adolf Alix Jr., magkaagaw sa pag-ibig ni Joseph (Kelvin Miranda) ang mag-inang Czarina (Beauty Gonzalez) at Joey (Teejay Marquez).

Ang kaibahan sa After All ay meron itong elemento ng reincarnation.

Read: Kelvin Miranda more comfortable doing intimate scenes with Beauty Gonzalez

Dinumog ng fans ang premiere night ng After All nitong Pebrero 26, 2024, Lunes, sa SM Megamall.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Tili nang tili ang mga kinikilig na tagahanga sa masusuyong halikan nina Beauty at Kelvin na kinunan sa matulaing Bolinao, Pangasinan.

Swak na swak ang theme song na “Sandaang Yugto” sa paghulagpos ng marubdob na damdamin nina Czarina at Joseph para sa isa’t isa.

“Ayaw man ng mundo/ Kakapit lang sa iyo/ Tadhana ma’y magbiro/ Puso ay magtatagpo/ Kahit pa sandaang yugto/ Asahang babalik sa yo “Ikutin man ang kahapon/ At takbo ng mundo/ Pag-ibig di magbabago/ Yan ang pangako/ Kahit pa sandaang yugto/ Asahang babalik sa yo”

Ang “Sandaang Yugto” ay inawit ni Juan Carlos Galano, music and lyrics by Kiko KIKX Salazar and Derick Gernale. Gumanap si Juan Carlos bilang ama ni Joey sa pelikula.

Noong 2021 pa syinuting nina Beauty at Kelvin ang After All, matapos silang magtambal sa Kapuso afternoon drama series na Loving Miss Bridgette, na si Adolf Alix Jr. din ang nagdirek.

Sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay mag-ate ang papel nila.

CONTINUE READING BELOW ↓

Umariba si Teejay sa Pinoy BL series na Ben x Jim with Jerome Ponce nang i-cast siya sa After All. Take note na naging mag-ina na rin sina Teejay at Beauty sa horror movie na Hellcome Home (2019).

Pahayag ni Teejay, “Halos kasing-edad ko na si Beauty… pero sa amin naman, hanggang nagagampanan mo nang maayos, wala namang problema.

“Hindi naman awkward, e. Pero… medyo ano naman… nagampanan naman. Hopefully sana, makita naman.”

Sa totoong buhay ba, nainlab na si Teejay sa babaeng mas matanda sa kanya?

“Nainlab, mas matanda? Nainlab na mas matanda sa akin, oo. Pero hindi naman sobrang layo ng agwat,” nakangiting tugon ni Teejay.

“Pero ngayon naman kasi, parang OK lang sa akin kung mainlab ako sa mas matanda sa akin.

“Kasi, medyo yung mga bata, yung mga kasing-edad ko, masakit sa ulo. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Showing na sa local cinemas ang After All umpisa Pebrero 28, Miyerkules.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din ng After All sina Elizabeth Oropesa, Tart Carlos, Devon Seron, Kiko Ipapo, Bella Thompson, at Bembol Roco.

Kasabay ng After All ang pagpapalabas ng Dune: Part Two, 12.12: The Day, Baghead, Hellhound, at The Buy Bust Queen ni Phoebe Walker.

GORGY RULA

Sa nakaraang media conference pa lang ng After All, nagulat na kami nang sinabi ni Beauty na nanay siya rito ni Teejay Marquez. Akala namin sa nakaraang panahon dahil tumatalakay ito sa reincarnation.

Si Juan Carlos Galano naman ang tatay rito ni Teejay, na sa maiksing eksenang iyun ay naipaliwanag kung bakit nabuo nila ang karakter na ginagampanan ni Teejay.

Hindi napigilan ni Beauty na maluha nang magsalita sila bago sinimulan ang screening. Suportado sila ng mga kaibigan nila sa showbiz.

Sabi nga ng Kapuso actress, wala man ang pamilya niya roon, dumalo naman at sumuporta ang pamilya niya sa showbiz.

Ilan sa Kapuso stars na dumating sa premiere night ay sina Martin del Rosario, mga kasamahan nilang ALV talents, at co-stars ni Teejay sa Makiling na sina Thea Tolentino, Claire Castro, at Royce Cabrera.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Kelvin na kabado siya, dahil matindi ang katapat nilang pelikula sa February 28.

“Nakaka-pressure talaga. Ako, inaamin ko naman, kasi parang nasa pakiramdam ko to, e. Hindi ko pa na-experience to before.

“Masaya ako na kinakabahan. Siyempre, hindi natin alam kung ano yung expectations ng mga tao.

“Pero sigurado naman kami na may pakiramdam yung pelikula namin. Inaral namin and at the same time, binuhos namin lahat para sa proyektong ito,” saad ni Kelvin.

“Prayers na lang ang masasabi ko, hahaha!” bulalas ni Beauty.

“Prayers na lang talaga! I surrender it to God. You know, before I accepted this project, I really believed that me and Kelvin, and also the script itself, ang ganda ng script.

“So, I hope you guys will enjoy it. Maintindihan niyo kung bakit excited kaming lahat na mapanood to,” sabi pa ng Kapuso actress.

As of Monday, mahigit 100 cinemas na mapapanood ang After All. Pero medyo malungkot si Beauty.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakatuwa pero nalulungkot ako kasi wala sa Dumaguete! Gusto sanang mapanood ng Mommy ko.

“Shoutout sa Dumaguete. Sayang, wala kami dun. But you know, I’m really proud and happy and, yeah, I’m nervous!” napangiting pahayag ni Beauty.

NOEL FERRER

Medyo matagal nang nasa news at nakabinbin itong After All.

Sana nga, after all that it has been through ay makita nito ang audience para sa pelikulang ito.

OK naman sina Beauty at Kelvin dito.

Pero abangan ninyo si Teejay Marquez sa kanyang ipinakita rito—puwedeng ma-iconize… ang Teejay Marquez School of Acting!!!

Iba rin ang Tatak Teejay!!!

Leave a Comment