Isa sa madalas na paalala ng ating mga magulang at iba pang nakatatandang kasama sa bahay ay maging maingat kapag nasa kusina.
Ang mga gamit pang-luto kasi ay posibleng maging sanhi ng pagkasugat, pagkapaso, at maging pagkasunog.
Sa kaso ng Reddit user na nakilala lang bilang “mrcalmcarrot,” isang nakakatawang pangyayari ang naganap sa kanilang pamilya sa kitchen.
Sa kanyang post last February 23, 2024, nag-upload siya ng larawan ng sunog na Apple iPad.
Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution
Read: Scientists in South Korea invent pink rice that tastes like beef
Nilagyan niya iyon ng caption na: “My mom accidentally baked her iPad in the oven.”
Mapapansing basag na ang screen ng iPad at mukhang hindi na ito maaaring ma-repair.
Hindi na binanggit ni mrcalmcarrot kung ano ang model ng iPad.
Ang post ay nakakuha na ng 3.9K comments.
Karamihan ay nabigla, marami rin naman ang natawa.
Biro ng isa, “She made that apple crumble.”
Dagdag na biro ng isa, hindi naman daw naglagay ang manufacurer—o ang Apple Inc.—ng babala na hindi puwedeng ilagay ang iPad sa oven.
Gayunpaman, sa kabila ng mga nakatatawang komento ay mas maraming netizens ang nagpahayag ng pangamba sa post ni mrcalmcarrot.
Read: “World’s most frugal millionaire” spends less than PHP1K monthly; has 10 houses, millions in the bank
CONTINUE READING BELOW ↓
Read: Inside the world of a content creator with 500 pairs of sneakers
Sabi ng isa, puwera biro, dapat ipakonsulta ni mrcalmcarrot ang kanyang ina sa doktor.
Duda rin ng isang netizen ay baka may mild case of dementia na ang nanay ni mrcalmcarrot.
“Because putting an iPad in an oven seems a little more serious than, ‘Whoopsie, I left my keys in the front door!’”
Read: Influencer inirampa ang mga damit na isinuot ng ina noong 1980s
Umaasa naman ang isa na sana ay hindi nasaktan ang nanay ni mrcalmcarrot.
Payo pa nito, siguraduhin na linising mabuti ang oven at tiyaking walang chemical leak.
Dagdag pa nito, “I strongly suggest, don’t allow your mom or anyone to use oven until it got clean or sanitize.”
May nagsabi ring masuwerte ang nanay ni mrcalmcarrot dahil nabasag lang ang screen ng iPad at hindi sumabog ang battery ng gadget.
Maraming Redditors naman ang nagtataka kung paanong hindi napansin ng ina ni mrcalmcarrot na iPad pala ang ipinasok nito sa oven—at nag-set pa ito ng specific temperature para i-bake ang gadget.
Ang naging paliwanag ng nanay ni mrcarrotman, aksidenteng may nakapagpatong ng broiling pan sa ibabaw ng iPad habang ginagamit niya ang gadget sa kitchen.
Read: Painted cow agaw-eksena sa Valentine’s Day 2024
Nang buhatin niya ang broiling pan para ipasok sa oven, hindi niya namalayang dumikit pala roon ang kanyang iPad.
Ayon pa sa nanay ni mrcarrotman, ipinagbigay-alam niya sa Apple ang aksidente.
Sabi umano ng lalaking nakausap niya sa Apple store ay marami na itong nakitang kung anu-anong pangyayari tungkol sa mga produkto ng tech giant—giniling ang iPhone, kinalas ang MacBook, ginamit na chopping board ang iMac—pero ngayon lang ito nakakita ng baked iPad.
Paalala naman ng isang netizen kay mrcalmcarrot, i-dispose nang maayos ang iPad dahil delikado na ang battery nito.
“It’s probably not safe at all to keep that thing anywhere near anything flammable.”
Read: How often do you have to clean your tumbler? Expert says it should be “daily”