Sa pamamagitan ng Instagram ay ipinarating ng aktres na si Bela Padilla ang kanyang pagbati sa Swiss boyfriend niyang si Norman Bay.
Nagdiwang ng kanilang ika-apat na taon bilang magkasintahan sina Bela at Norman.
“To the person who supports my mission to finish Hogwarts Legacy on the PlayStation and will happily take over the stages that are too scary for me, happy anniversary [heart emoji] and I miss you!” sweet na mensahe ni Bela kay Norman.
Read: Filipino celebrities with European partners
Kalakip ng pagbati ni Bella ay ang mga larawan nila.
Nagpahatid naman ng pagbati sa dalawa ang ilang malalapit na kaibigan ni Bela.
“Happy anniversary beautiful couple [heart emoji] sooo happy for you momsy,” komento ng aktres na si Angelica Panganiban.
“Cuties!!! Happy anniv,” sabi naman ng fellow Viva artist ni Bela na si Rhen Escano.
Read: Rhen Escaño kissing sexy roles goodbye for good?
“So beautiful you two!” pagbati ng aktres na si Joanna Ampil.
Read: Bela Padilla not living with BF in London: “I am navigating life alone.”
“ANO YUNG KAY DOMINIC?”
Takaw-pansin naman ang komento ng isang netizen sa anniversary post ni Bela.
Komento nito, “Bakit anniversary? Ano yung kay Dominic? Kaloka nakakawalang respeto sa self [crying emoji].”
Maging si Bela ay nagtaka sa sinabi ng kanyang follower, dahilan para mag-reply ito ng tatlong question marks.
CONTINUE READING BELOW ↓
Lumalabas na tila napagkamalan si Bela ng netizen na si Bea Alonzo.
Ang “Dominic” na nabanggit ay ang ex-boyfriend ni Bea na si Dominic Roque.
Kamakailan lang ay naging laman ng balita sina Bea at Dominic matapos nilang maghiwalay.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A Relationship Timeline
Engaged na sina Bea at Dominic kaya ikinagulat ng marami ang kanilang hiwalayan.
Read: Dominic Roque’s camp condemns “malicious and defamatory public statements” of Cristy Fermin
Hindi naman malinaw kung sadyang nagbibiro ang netizen o talagang napagpalit niya ang katauhan nina Bela at Bea.
Ganunpaman ay marami ang naaliw sa maling komento sa post ni Bela.
“Bella padilla yan Di si bea HAHAHA,” hirit ng isang netizen.
“Kalurky ka po [LOL emoji],” turan ng isa pa.
May nagsabi rin ng “sana okay ka lang [LOL emoji]” at “lashing ka ba o nakahigh [LOL emojis].”
Dahil nga sa komento na yun ay marami ang na-curious at sinilip ang IG post ni Bela.
“Dinalaw mo tong post na to para makita yung trending comment,” sabi ng isang netizen.
May isa naman na nagsabing magkamukha sina Bela at Bea kaya nalito ang netizen at ganun ang komento.
Sa ngayon ay umani na ng 919 comments at mahigit 200,000 likes ang post ni Bela.