Iilan na lamang ang nakakaalaala na naging mainstay si Jay Manalo ng Season 2 ng Ang TV, ang youth-oriented variety program na napanood sa ABS-CBN mula Oktubre 1992 hanggang Marso 1997.
Read: Ang TV, Gimik, and G-mik teen and child stars: where are they now?
“Short stint lang naman. Isa ako sa mga ‘palakpak boys,’” pagbabalik-tanaw ni Jay tungkol sa sandaling pananatili niya sa Season 2 (1993-1995) ng Ang TV.
Miyembro si Jay ng Ang TV Teens pero 20 years old na siya nang maging bahagi ng nabanggit na programa.
Sina Claudine Barretto, Angelu de Leon, Gio Alvarez, Victor Neri, at Jolina Magdangal ang ilan sa mga batchmate niya.
“Kasabayan ko noon si Nikka Valenci dahil iisa lang ang manager namin that time. Sharon Rosenfeld pa ang name na ginagamit niya noon,” pahayag ni Jay sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files.
“Sabay kami ni Nikka na nag-audition at natanggap naman kami agad.
“Okay naman ang experience ko sa Ang TV. Masaya ang experience ko at kahit papaano. May nakaka-recognize sa akin noon dahil marami nga ang viewers ng show.”
Gaya nang sinabi ni Jay, sandali lamang ang pananatili nito sa Ang TV. Ni hindi na niya matandaan ang dahilan ng kanyang pag-alis sa youth-oriented television show ng ABS-CBN.
“Actually, hindi ko na matandaan kung umalis ba ako o tinanggal na ako but it’s good riddance dahil nakapag-explore ako ng new roles to portray. Hindi na ako pa-tweetums!” natatawang sabi ni Jay.
Dagdag pa niya, “Kung nag-stay ako, which is hindi mangyayari dahil mga bata ang talagang kailangan nila. Yun ang concept ng show.
“Pero nag-enjoy ako sa Ang TV. Masaya ang samahan namin.”
Nawala man siya sa Ang TV, maganda ang naging kapalit nito dahil nabigyan si Jay ng mga pelikula na siya ang bida.
Nakatrabaho rin niya ang mga mahuhusay at beteranong artista na kanyang dating napapanood sa sinehan at telebisyon.
CONTINUE READING BELOW ↓
Nanalo si Jay ng mga acting award at hanggang ngayon, aktibo siya sa pag-arte sa mga teleserye at pelikula — na hindi naranasan ng ibang mga dating miyembro ng Ang TV na bigla na lamang naglaho sa eksena.