Nakapagpiyansa kaagad ang drag artist na si Pura Luka Vega, Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay.
Ngayong Biyernes ng gabi, March 1, 2024, sinabi ni Pura sa X (dating Twitter) na nakalaya na siya matapos magbayad ang kampo niya ng PHP360,000 na piyansa.
Aniya, “I was released on bail today. Honestly, I got to learn more about my cellmates and their stories and much more.
“Because of what is happening and through the support and explanations of my lawyers, I now feel comfortable using legal jargon in everyday life.”
Tuloy pa rin daw ang laban at buhay sa kanya.
Nagpasalamat din si Pura siya sa mga tumulong sa kanya para makalaya kaagad.
Dagdag niya, “Tuloy pa rin ang laban, tuloy pa rin ang buhay. Lubos ang pasasalamat ko sa mga tumulong saken sa bail ko.
“To my drag sisters na walang sawang tumulong saken at nag-organize ng fund raising for legal fees, maraming maraming salamat sa inyo.
CONTINUE READING BELOW ↓
“More importantly, I am grateful for those who have supported and defended me. There can be a hundred people in the room, and 99 don’t believe in you, but one does. Masaya na ako doon. #DragisArt #DragIsNotACrime
“And I would like to thank our drag lord, @manilaluzon for the mother that she is. She has been there for us and I can’t thank her enough. Watch Drag Den only on @primevideoph Labyu @dragdenph!”
Inaresto ng Manila Police District (MPD) ang drag artist kahapon, February 29, 2024, dahil sa inisyung warrant ng isang korte sa Quezon City.
Read: Drag artist Pura Luka Vega arrested again for same charge; recommended bail set at PHP360,000
Nag-ugat ang mga reklamo laban sa drag artist dahil sa kanyang kontrobersiyal na “Ama Namin” o “The Lord’s Prayer” performance, kunsaan nag-costume siyang mala-Poong Nazareno, sa isang bar noong July 10, 2023.
Read: “Drag art”? Pura Luka Vega draws flak for “offensive” act of “Ama Namin”
Nauna na rito, noong February 26, 2024, nagpiyansa na din siya ng P720,000 dahil sa 6 counts of Violation of Article 201 ng isang Pasay City court dahil sa reklamo ng Kapisanan ng mga Social Media Brodkaster ng Pilipinas.
Read: Drag artist Pura Luka Vega arrested for failure to attend preliminary investigations