Dambuhalang sawa sa Calasiao, Pangasinan pinaghahanap – Entertainment News

Nabalot ng takot ang mga taga-Sitio Nibaliw, Barangay Bued sa Calasiao, Pangasinan matapos makakita ng pinagbalatan ng malaking ahas sa palayan na nasa likod ng kanilang kabahayan.

Ang pinagbalatan ng ahas—na tinatawag na pinagluposan o pinaglunohan—ay may haba na 16 to 30 feet.

Duda ng mga residente, ang malaking ahas ang responsable sa pagkawala ng kanilang mga alagang hayop, kabilang ang mga manok at aso.

Read: Walang taong ahas sa mall! Wakasan na ang “false” at “very stupid” story

The snakeskin

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 14-year marriage about to end due to wife’s one-night stand with younger guy

Sa ulat ng GMA Regional TV noong February 28, 2024, ibinahagi ni Anna Flor Maningding, isang residente, ang labis na pangamba.

“Sobrang natatakot kami dahil may mga bata kami dito at malapit lang sa bahay namin yung nakuha ang dambuhalang lupos [snakeskin] ng ahas.

“Yung magandang klase ng aso namin, nawala nito lang January.”

Agad humingi ng tulong ang mga residente dahil sa takot na nasa paligid lang nila ang malaking ahas.

Ayon naman sa residenteng si Rheabel Maningding, “Kasi may maliit akong bata, pumupunta pa sa bukid. Baka mamaya, hanapin ko anak ko, nakain na pala ng ahas. Gusto kong mahanap para hindi kami takot.”

Read: These toy cars are more expensive than brand-new cars

Ipinaalala ng Calasiao Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga residente na maging alerto at ingatan ang kanilang mga alagang hayop.

CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang malaking ahas ay posibleng isang sawa o reticulated python batay sa haba at klase ng natagpuang balat nito.

Read: Lady orders poppy flowers; gets puppy-shaped bouquet

The snakeskin

Read: Corded landline phone, going obsolete? Wait, Gen Zs go gaga over it

Agad din umanong ipagbigay-alam sa mga kinauukulan sakaling may makakita upang ligtas na mahuli at mailipat sa pangangalaga ng DENR ang naturang ahas.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Isa rin sa cause ng paglabas ng mga ahas ay ang weather at destruction sa kanilang habitat,” ayon kay Dr. Joey Zarate, Ecosystem Management Specialist II ng DENR-1.

Nagpapalit ng balat ang mga ahas kapag lumalaki ang mga ito dahil parang damit ito na sumisikip sa kanilang katawan.

Isang paraan din iyon para matanggal ang mga parasito na nakadikit sa kanilang balat.

Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits most imaginative reactions

The snake wranglers

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Lola Segundina Laforteza Quinto, “oldest Citizen in Calasiao”

Ayon kay Gerald Quinit, isang farm owner sa Calasisao na nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong February 29, sa pamamagitan ng Facebook Messenger, patuloy pa rin nilang hinahanap ang malaking ahas.

Ipinagbawal naman ng pulisya at ng pamunuan barangay sa mga residente ang pagpunta sa lugar kung saan nakita ang balat ng ahas.

Read: Passion not pressure helps Jerome Formaran graduate magna cum laude, top board exam

Leave a Comment