Nilait at hiniya umano ng isang manager at iba pang staff members ng isang kilalang five-star hotel sa Maynila ang estudyanteng nag-a-apply sana bilang intern o on-the-job trainee.
Ang female student ay tinawag umanong “mukhang gasul,” “maliit,” at “mataba.”
Lubos daw naapektuhan ang estudyante sa kanyang sinapit.
Ang karanasan ng estudyante ay ipinost ng kanyang boyfriend at nag-viral online.
Ang siste, may mga netizens na nagkomento at sinabing may similar experiences sila mula sa tinukoy na manager at iba pang empleyado sa nasabing high-end hotel.
Read:
‘UNPROFESSIONAL, BODY-SHAMERS’ AT THE FIVE-STAR HOTEL
Ang Facebook post ay ginawa ni Carlo Tandico noong February 24, 2024.
Sa kanyang bungad, tinawag niyang “unprofessional” at “body-shamer” ang manager at human resources (HR) staff members ng hotel.
Kuwento ng uploader, ilang linggo nang naghahanap ng mapapasukang three-to-five-star hotel ang kanyang kasintahan sa Maynila at Tagaytay para sa internship requirement sa kanilang school.
Nagkaroon daw sila ng pag-asa nang makatanggap ang aplikante ng mensahe mula sa hotel management.
Lahad ng uploader ukol sa girlfriend (published as is): “She went last Thursday and spoke with one of your Managers and she was called as ‘Gasul’ kasi daw, ‘Maliit kana nga, mataba pa’” Manager added ‘That’s true!, Magreduce ka!’”
Hindi raw pumasa para maging intern ang estudyante.
Dinibdib at iniyakan daw ito ng aplikante na nakaramdam ng “frustration” at “disappointment.”
Banat ng uploader: “We get the point, you have requirements, physically. But the way your managers act and speak? TOTALLY UNACCEPTABLE and UNPROFESSIONAL!”
Nagbabala ang uploader sa mga nagbabalak mag-apply sa naturang hotel, kasunod ng masamang karanasan ng kanyang kasintahan.
“This shows how toxic yung environment nila with their staffs/future employees,” sabi ng uploader na sa simula pa lang ng post ay tinag na ang hotel.
“I’m calling you out Diamond Hotel! I dont want others to feel what my girlfriend had experienced. She deserve an apology. Hence, this shouldn’t be normalized,” pagwawakas ng uploader.
CONTINUE READING BELOW ↓
Read: Surot at NAIA? MIAA confirms receiving complaints; apologizes
PAST VICTIMS COME FORWARD
Bumuhos ang maraming comments mula sa netizens. Kinondena nila ang inasal ng staff members ng hotel.
Ibinahagi pa ng uploader ang direct messages na natanggap niya mula sa ibang netizens na nagbahagi ng kanilang similar experiences mula sa tinukoy na manager at iba pang hotel staff members.
May isang netizen na ikinuwentong na-body shame rin siya.
Isa naman ang nagsabi na noong nag-apply siya bilang waiter, bukod sa kinutya ang kanyang itsura ay dinibdiban umano siya at ang iba pang aplikante na hindi pumasa.
Read: Andrea Brillantes gifts assistants with motorcycles worth PHP100,000 each
FIVE-STAR HOTEL TO CONDUCT INVESTIGATION
Sa post ng uploader, nag-iwan ng mensahe ang five-star hotel.
Nakasaad sa kanilang mensahe: “We acknowledge your post and we are currently investigating the matter.
“We assure you that we take your posting/complaint seriously and we will take any and all appropriate actions as maybe warranted under the situation. We will apprise you of the results of the investigation.”
Naglabas din ito ng official statement sa Facebook page ng hotel noong Sabado, February 24.
Nakasaad dito: “Diamond Hotel Philippines is aware of a recent Facebook post that brought attention to an alleged incident concerning an internship applicant.
“We want to assure everyone that the hotel does not tolerate such behavior and take these claims seriously.
“The hotel is currently investigating the matter to take appropriate actions.”