Inamin ng SB19 member na si Justin de Dios na bukod sa pagkanta at pagpe-perform ay pangarap na rin niya ngayong maging isang aktor.
Ang paglabas daw niya sa defunct iWantTFC youth-oriented drama series na Senior High ang nagtulak sa kanya para gustuhin pang i-explore ang entertainment industry.
Noong January 2024, nag-cameo si Justin sa Senior High. Ito ang kauna-unahang paglabas niya sa telebisyon bilang isang aktor.
Read: Elijah Canlas and Xyriel Manabat love scene in Senior High trends online
Kuwento ni Justin sa private launch ng bago at kauna-unahan niyang single na “Surreal” noong February 26, na-enjoy niya nang husto ang maikling panahong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para ipakita ang talento niya sa pag-arte.
@pepalerts Justin de Dios of @SB19 Official has officially debuted as a solo recording artist with his single #Surreal #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNews #sb19_justin ? Happy, summer, ukulele(852410) – Eternal Waves
Pagbabahagi niya, “Sinabi lang po sa amin ng project manager namin na, ‘Mag-guest ka rito.’
“‘Sige po.’
“Gusto ko rin pong mag-try mag-acting kaya pumunta ako a day or two days before ng shoot ko para manood [sa set], mag-observe, alam ko kasing masaya, ‘Sige, try na natin.’
“Very quick lang siya since cameo lang naman yung role ko roon. Na-enjoy ko naman.
“Hopefully po, yung gusto ko po sanang mangyari na ma-venture ko rin po yung iba’t ibang parts ng entertainment industry other than music.
“Ngayon, siyempre promote tayo ng songs. Pero afterwards sana po ma-experience ko more yung acting and directing, so sana po makapasok po sa film industry.”
CONTINUE READING BELOW ↓
Bagamat malaki raw ang pagkakaiba ng acting sa nakasanayan ni Justin na pagkanta, gusto raw niyang i-challenge ang sarili kung ano pa ang kaya pa niyang gawin.
Saad niya, “Kasi nung na-experience ko po siya na acting, it’s a new world, e.
“Ibang-iba po siya sa environment ng music na part. So, gusto ko pang i-try.
“Gusto ko pang tingnan yung bigger picture kasi cameo lang po ako noong time na yun, gusto kong ma-experience more.”
Read: SB19 resolves ownership issue with former agency ShowBT
JUSTIN REACTS to positive feedback of fans
Maraming fans ng SB19 ang natuwa sa paglabas ni Justin sa Senior High.
Kaugnay nito, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang “Surreal” singer ng reaksiyon ukol dito.
Saad ni Justin, “Ang reaksiyon ko sa positive feedback ay, ‘Hala, grabe naman si ABS-CBN.’
“Kasi po cameo lang siya so hindi ko in-expect na talagang kakalat siya all over social media. So, thank you po ABS-CBN for giving the chance and opportunity.
“Super na-overwhelm po ako and thankful. So, sana po magkaroon pa po ako ng project.”
Sundot na tanong ng PEP.ph, “Kung sakali mang ma-pursue mo yung acting career, sinu-sino yung mga gusto mong makatrabaho?”
Sagot ni Justin, “Honestly, kahit sino po, open. Basta siguro po… what I can say about it is something na deserve ko.
“Not just because na gustung-gusto ko lang siya or tinray kong kunin. But then, at least deserve ko yung magiging role ko.
“Kung may ka-partner man ako or ka-work it’s something din na parang deserve ko siyang makatrabaho.”
@pepalerts @SB19 Official member Justin de Dios wants to pursue acting career after cameo role in ‘Senior High’ #PEPNews #NewsPH #Surreal #sb19_justin #EntertainmentNews ? original sound – PEP.ph
Bukod kay Justin, nagpahayag din ng interes sa pagsabak sa acting ang SB19 co-member niyang si Josh Cullen.
Read: SB19 Josh Cullen admits considering acting career: “Marami nang nag-o-offer sa akin…”