Naguluhan ang maraming netizens sa isang content na in-upload ni Cassy Legaspi sa kanyang verified Facebook account noong February 25, 2024.
Sa nasabing video, mukhang sasayaw o magtu-twerk si Cassy pero bigla na lamang niyang ipinakita ang hawak-hawak na Holy Bible.
Wala siyang inilagay na caption kaya kanya-kanyang interpretasyon ang netizens sa mensaheng nais iparating ng Kapuso actress-TV host sa publiko.
Karamihan ng komento ay negatibo.
“ipabasa mo sa mama mo,” banat ng isang netizen na ang tinutukoy ay ang ina ni Cassy na si Carmina Villarroel.
Opinyon ng isa pa, “Anong connect Ng bible sa content mopo? Please respect it.. the Bible is Holy po and we should use it in the right way.
CONTINUE READING BELOW ↓
“I’m not a basher or a fan, pero bible po Yan eh, and it is written all the scripture is Inspired by God.. kung Ang nais nyo pong iparating sa public through this content na magbasa ng bible,or you have a bible, I content mopo Ng maayos sana. God bless”
Sabi ng isa pang netizen, “Hindi ako màka relate anu gusto nitong palabasin”
Pagtataray ng isa pa, “Mag flex ng bible taz umi igwad? Sure na ba talaga tsk tsk”
Naguguluhang sabi ng isa, na may emoji na mukhang tila nagtatanong din, “Bible?”
Komento ng isa pa, “Dinamay pa bible sa kung ano ano gnagawa haist mga Bata now tlgah halos di na nag iisip if Tama ba gangawa”
Ayon sa isa, “What? After showing your thigh and skin, you’re showing the Bible??? Seriously??? How do you relate those two different things??? Wala na ma-content dzay??”
Dagdag ng isa pa, “Kung ggwa ka ng ganyag video wag mo yan hahawakan girl..masydong kulang s pansin..”
“Sign of disrespect. Minus points agad yan sa langit!”, ayon naman sa isa.
Kung may mga naguluhang netizens, mayroon din namang nakuha ang mensaheng tila nais iparating ni Cassy.
Ayon sa isa, “She was suppose to twerk.. but instead she showed the bible and stopped..
“Shes encouraging everyone to read the bible instead for twerking..”
Sabi ng isa pa, “I think she want to say instead of twerk or flexing your body just be a good person and respect your self.”
Komento ng isa, “That means be kind to people and not bash them.”
Mahabang interpretasyon ng isa, “Mmmmmm OPINYON ko lang po siguro dahil nakikita niya na puro mga negative thoughts yong mga nagkokoment meaning sa content niya magbago na yong mga ganun klasing tao mapanghusga sa buhay yon po pero alam po natin hindi man maganda sa paningin natin ang content niya kasi banal po na kasulatan yan na dapat natin e respito pero siguro naisip niya gawin yan para mamulat ang mga tao na namumuhay sa mga ganun pamamaraan ang pagiging judgmental sa buhay gaya po ng sinabi ko OPINYON lang po yong akin”
Walang sinagot si Cassy sa lahat ng mga komento ng netizens.