14-year marriage about to end due to wife’s one-night stand – Entertainment News

Ten years nang married sa kanyang misis ang Redditor na nakilala sa username na HippoOK9111.

Siya ay 39 years old na siya; si misis naman ay 33 years old.

Bago sila nagpakasal, nagsama na sila sa loob ng apat na taon.

Sa kanilang 14 years na relasyon ay nabiyayaan sila ng isang anak na babae, na ngayon ay seven years old na.

Kuwento ni HippoOK9111 sa Reddit nitong February 26, 2024, sumama ang kanyang misis sa isang all-girls trip kamakailan.

The Reddit post

Wala umano siyang naramdamang pag-aalala, “I have never had a reason to distrust her.”

Kahit kailan naman aniya ay hindi siya binigyan ng kanyang misis ng problema—at hindi rin naman ito sa ibang bansa pupunta.

Magkakasayahan lang siya kasama ang mga kaibigan sa isang resort na isang oras lang ang biyahe mula sa kanilang lugar.

Kasama rin ng kanyang misis ang isang kapatid nitong babae, at ilang kaibigan na puro babae rin.

Tatlong gabing mamamalagi ang mag ito sa resort.

Read: HOT TOPIC: Lady walks out on date after knowing the guy lied about his age

THE TEMPTATION

Pero may nangyaring hindi inaasahan ni HippoOK9111.

Makalipas ang unang gabi ng paggimik ng kanyang misis, kinaumagahan ay tumawag ito sa kanya.

Akala niya ay kukumustahin lang siya nito at ang kanilang anak.

Pero pagsagot niya sa telepono, humagulhol ang kanyang misis.

Nagulat si HippoOK9111, pero pinakalma niya ito.

Woman on phone

Pagsisiwalat niya, “When I finally calmed her down, she told me she had slept with someone else the night before.”

Ibinahagi ni HippoOK9111 sa kanyang post ang mga detalye na mula mismo sa misis

May nakalandian daw itong lalaki sa bar, at nagsayaw rin daw sila.

Read: Beyonce look-alike gets tons of marriage proposals; PHP1.4M offer for one-night-stand

Inakala ni misis na hanggang sa ganun lang ang kanilang pakikipaglandian, pero simpatiko umano ang lalaki at nagawa nitong mag-request ng kiss.

Ang simpleng kiss ay nauwi sa making out.

Nadarang umano ang kanyang misis, at nagpahatid siya sa lalaki sa tinutuluyang hotel.

Pagdating doon, ang usok lang na pagkadarang ng dalawa ay tuluyang naglagablab.

“Which turned into them having sex,” ani HippoOK9111.

Read: Love At The Right Time: Content creator’s selfie captures future husband before they met

Bahagi pa ng post ni HippoOK9111, nalaman niya sa kanyang misis na ang lalaking naka-one night stand nito ay mas bata ng 10 years o 23 years old pa lang.

Ang higit pang nakabigla kay HippoOK9111, sinabi umano ng kanyang misis sa lalaki na nasa proseso ito ng pakikipag-divorce.

Sabi ng misis niya, hindi nito alam kung ano ang pumasok sa isip nito nung gabing iyon.

Ang alam lang daw nito ay gusto lang nitong malaman kung may asim pa siya—pero nang may nakipaglandiang lalaki na mas bata ay masyado siyang carried away.

Read: Boyfriend, nalamang tumama sa lotto ang girlfriend; nagpapabili ng kotse

THE SEPARATION

Right there and then, sinabi ni HippoOK9111 sa kanyang misis na pag-usapan na nila ang paghihiwalay.

“She’s begging me not to.”

At sinabi ni misis sa kanya na puwede raw silang sumailalim sa marriage counseling.

Nangako rin itong hindi na uli gigimik at hindi na iinom.

Pero isang “one chance” sort of guy si HippoOK9111, kaya mula noon ay hindi na niya kinausap ang kanyang misis.

Hindi rin niya sinasagot ang phone calls mula sa kapatid nito at mga kaibigan.

“I just want them all to leave me alone.”

Read: Love In The Time Of AI: Man finds “perfect match” in dating app using ChatGPT

THE OPINION OF GUY’S MOM

Dahil sa matinding siphayo, ipinagtapat ni HippoOK9111 ang insidente sa kanyang ina.

Payo nito sa kanya, “She said I should think of my family.”

Dagdag pa ng kanyang ina, mukhang lantay naman ang naging pagsisisi ng kanyang misis.

Wala rin umano itong balak na itago sa kanya at inamin kara-karaka ang naging pagkakamali.

Sabi pa ng umano kanyang ina, “It’s not like she had an affair.

“As for my mother, she still thinks I should forgive her. She loves her. And she just wants everything to be OK.”

Man and a girl

Wala namang kamalay-malay ang kanilang anak sa nangyayari sa kanilang mag-asawa.

Ani HippoOK9111, “I still have no idea what I’m going to do. Honestly, I’m still reeling.”

Pero matigas umano siya sa kanyang paninindigan na hindi patawarin ang kanyang misis.

Read: Guy nag-stage ng armed robbery para mag-propose sa girlfriend

THE NETIZENS’ ADVICE

Ang relationship drama na ito ay humatak ng napakaraming opinyon mula sa netizens.

Pampakalmang payo ng isang nagkomento, kung sariwa pa kay HippoOK9111 ang sugat na nilikha ng kanyang misis, huwag muna agad gagawa ng desisyon.

Payo nito, “Take some time and seriously think everything through.

“No need to make a decision right now if it just happened. You’ll feel different emotions every day and each week that passes.”

Dagdag pa nito, hayaan na ang panahon ang magpahilom sa galit at pagkadismaya ni HippoOK9111 sa kanyang misis—at tingnan kung ano ang malalabi sa bandang huli.

Sambit naman ng isa, makatutulong ang marriage counselling para makalimutan nilang mag-asawa ang insidente.

Read: Lalaking ayaw maligo at magsepilyo, idinemanda ng misis

Marami rin ang nagpayo kay HippoOK9111 na hiwalayan na ang misis.

Anang isa, kung sabi ng misis niya sa naka-one night stand nito ay nasa proseso sila ng divorce, totohanin na lang ni HippoOK9111.

Ang isang gabi ng pagkatukso ayon sa ibang nagkomento ay nagbunyag ng maraming red flags kay HippoOK9111.

Isang gabi pa lang umano itong napahiwalay kay HippoOK9111, natukso na agad sa iba.

Para naman sa isang nagkomento, may dalawang choices si HippoOK9111: “A happy divorced couple that raises a kid or a resentful married couple that raises a kid while fighting.”

Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint

Leave a Comment