Specialization ng Amalgam, isang kumpanya ng laruan na itinatag sa Bristol, United Kingdom noong 1995, ang paggawa ng miniature models ng iconic sports cars.
Ang kamangha-mangha sa mga produkto nito, kopyang-kopya ang lahat ng features ng full-size car hanggang sa pinakamaliit na detalye.
Dahil dito, hindi mura ang price tag ng kanilang mga toy cars.
Read: Online gamer from Pampanga buys Daniel Padilla’s Chevrolet Corvette Stingray for PHP6 million
Read: Lady orders poppy flowers; gets puppy-shaped bouquet
Malaking bagay din na maganda ang relasyon ng kumpanya sa mga top car manufacturers gaya ng Ferrari, Lamborghini, at Aston Martin.
Dahil dito, mayroon siyang access sa original computer-aided design data at maging sa engineering drawings ng mga sasakyan na gusto nitong kopyahin, maging sa paint codes and color samples.
Gumagamit ang Amalgam ng high-resolution photos at ng digital scans para makopya nang perpekto ang mga detalye ng bawat sasakyan.
Read: Corded landline phone, going obsolete? Wait, Gen Zs go gaga over it
CONTINUE READING BELOW ↓
Read: How much it costs to stay at this Boeing 737 transformed into private jet villa
Bawat 1:8 scale replica na nabubuo ng kumpanya ay inaabot ng mula 250 hanggang 450 oras ng maselang trabaho para makumpleto.
Dahil dito, ang presyo ng isang laruan ay puwedeng umabot sa US$30,000 (PHP1,685,520) depende sa modelo.
Kamakailan ay inianunsiyo ng Amalgam na idadagdag nito ang iconic Lamborghini Countach LP400 at ang hindi pa nailalabas na Lamborghini Revuelto sa hanay ng koleksyon ng 1:8 replicas.
Lilikha ang kumpanya ng 199 units ng Lamborghini Countach LP400.
Gaya ng ibang produkto ng Amalgam, tampok dito ang pinakamaliliit na parte ng original car kabilang ang functional scissor doors and pop-up headlights, pati na rin ang replica ng makinang V12.
Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits most imaginative reactions
Read: Scientists in South Korea invent pink rice that tastes like beef
Ayon sa Amalgam, “mura lang” ang replica ng Lamborghini Countach LP400 at mabibili sa halagang US$18,700 (PHP1,050,640.80).
Para naman sa Revuelto, digital renderings pa lang ang naisasapubliko ng Amalgam dahil wala pa sa merkado ang orihinal na modelo.
Pero inianunsyo na kung magkano ang magiging presyo ng replica—US$16,400 (PHP921,417.60).
Bakit nga ba sobrang mahal ng mga replica models ng Amalgam?
Hindi kasi simpleng laruang kotse lang ang mga ito.
Itinuturing ang mga replica na ito na collectible works of art.
Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution
Read: “World’s most frugal millionaire” spends less than PHP1K monthly; has 10 houses, millions in the bank
Hindi rin mga ordinaryong kolektor ang target market nito kundi ang mga may-ari ng luxury cars na gustong magkaroon ng toy version ng kanilang prized possessions.
Paano naman ang mga gustong magkaroon ng replica ng kanilang sasakyan na hindi maituturing na luxury car?
Sa website ng Amalgam, nag-o-offer ito ng customized 1:8 scale replica.
“We will create for you a superbly and deeply detailed model replicating every aspect of your car’s specification.”
Kaya rin nilang kopyahin ang precise na kulay ng sasakyan maging ang interior finishes, license plate, gulong, at iba pang detalye.
Read: How often do you have to clean your tumbler? Expert says it should be “daily”
Read: Inside the world of a content creator with 500 pairs of sneakers
Yun nga lang, mas mahal pa ang customized 1:8 scale replica kumpara sa limited edition dahil isang unit lang ang gagawin.
Sa ngayon ang pinakamahal na 1:8 scale replica sa Amalgam website ay ang Ferrari 250 GTO, na nagkakahalaga ng US$29,760 (PHP1,672,035.84).
Ang record holder naman ng pinakamahal na model ay ang 1:4 scale replicas ng Mercedes Formula 1, na nagkakahalaga ng US$41,145 (PHP2,311,690.68).
Mas malaki kasi ang sukat nito.
Dalawang piraso lang ang na-produce para sa nasabing car model.
Kung nagtitipid, puwedeng makabili sa Amalgam ng mas maliit ang sukat na 1:18 scale replicas nito.
Ang presyo nito ay nasa pagitan lang ng US$1,000 (PHP56,184) hanggang US$2,000 (PHP112,368) depende sa car model.
Read: Social welfare staff discovers beggar who owns a car, earns up to PHP5,800 a day