Ikinatuwa ng fans ng former 2NE1 member na si Sandara Park ang muli niyang pagdalaw sa Pilipinas.
Kasalukuyang nasa bansa si Sandara para sa bago niyang endorsement shoot, kunsaan kasama rin niya sina Coco Martin, Maris Racal, at singer-rapper na si Shanti Dope.
Read: Sandara Park thrilled to showcase new songs to Filipino fans: “Super excited to be back home!”
Sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN kay Sandara, sinabi nitong panandalian lamang ang kanyang pagbisita sa Pilipinas dahil kailangan niyang bumalik sa South Korea, kung saan siya nakabase at naninirahan.
Ganunpaman, na-enjoy raw nang husto ni Sandara ang maikling panahong pagbisita sa Pilipinas lalo na’t nakita at nakasama niyang muli ang iniidolong actor-director na si Coco.
Read: Sandara Park flattered Filipinos still recognize her: “Sobrang nakakagulat.”
Pag-amin ng K-pop star, noon pa man ay pangarap na niyang makatrabaho si Coco at maging leading man ito.
Aniya, “I have a wish, sana magka-project kami ni Coco Martin in the future.
“Sana. I really love his movies, napanood ko lahat ng movies niya.
“Lalo na yung mga romantic comedies so sana maging leading man ko siya in the future.”
Maging si Coco ay nais din daw makasama si Sandara sa isang proyekto, at labis itong ikina-excite ng Korean star na may pusong Pinoy.
Saad niya, “Sabi niya [Coco], ‘Yeah, let’s do something together.’ So sana, yeah, maging totoo yun.”
Ipinost pa ni Sandara sa kanyang Instagram ang litrato niya kasama si Coco na labis ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.
Maraming fans ang na-excite na baka mapasama raw si Sandara sa Kapamilya primetime series ngayon ni Coco na FPJ’s Batang Quiapo.
Komento ng isang netizen (published as is), “Waiting for @daraxxi cameo sa Batang Quiapo.”
Sabi pa ng isa, “Sumali ka dara sa batang quiapo.”
“Dara, mag guest ka raw sa Batang Quiapo,” saad ng isa.
Hirit pa ng isang netizen, “batang seoul meets batang quaipo.”
CONTINUE READING BELOW ↓
Read: Vhong Navarro’s son Yce Navarro joins the cast of FPJ’s Batang Quiapo
Sumikat si Sandara, na kilala rin sa tawag na Dara, sa Pilipinas matapos siyang hiranging runner-up sa Star Circle Quest ng ABS-CBN taong 2004.
Tinagurian din siya noon bilang “Pambansang Krung-Krung.”
Nilisan niya ang Pilipinas taong 2007 at bumalik ng South Korea para mag-training sa YG Entertainment bilang K-pop star.
Taong 2009 nang mag-debut siya bilang miyembro ng all-female K-pop group na 2NE1, kasama sina CL, Park Bom, at Minzy.
Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay “Fire,” “I Am The Best,” “Ugly,” at “Lonely.”