Kasabay sa pag-amin ni Dennis Padilla sa hiwalayan nila ni Linda Gardon noong 2020 ay ang rebelasyong may nagpapatibok ng kanyang puso.
Hindi itinanggi ng 62-year-old comedian na meron siyang girlfriend sa kasalukuyan.
“Okay naman, may girlfriend ako ngayon.”
Nagbiro pa ito na natatawa, “Pasensiya na kayo, ha, may girlfriend ako ngayon.”
Read: Dennis Padilla reveals separation from live-in partner; sends financial support to kids
Nakausap ng media si Dennis sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, noong February 24, 2023, para sa mediacon ng pelikulang When Magic Hurts, na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas at Maya Oquiza.
Sa ngayon, walang kasama si Dennis sa pito niyang anak— dalawa sa first wife niyang si Monina Gatus, tatlo kay Marjorie Barretto, at dalawa kay Linda, na kasalukuyang nakabase sa Syndney, Australia.
Read: Panganay na anak ni Dennis Padilla, nagpakasal sa kapwa babae
Pero mas meron siyang constant communication sa mga anak nila ni Linda, kaya ganun na lang ang kanyang tuwa noong nakatanggap siya ng birthday message mula sa anak na si Julia noong February 9.
Una nga niyang ibinalita ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Fenruary 23.
Read: Dennis Padilla, nakatanggap ng mensahe mula kay Julia Barretto
Sa pagpapatuloy ni Dennis, “Alam niyo, yung mga anak ko, kung sino pa nga yung nasa abroad, parang mas madalas ko pa silang nakakausap.
“Although, hindi ko sila mahawakan at hindi ko rin sila mayakap.
“Pero, I hope, itong mga darating na months dahil nagsimula na nga noong birthday ko. Nagulat din ako dahil gabi na nang ma-receive ko ang text. Noong una nga, hindi ko alam—number pa pala niya [Julia] ito.”
QUICK BACKTRACK ON DENNIS PADILLA’S FEUD WITH THREE KIDS
Malaking bagay ito para kay Dennis na simula noong naghiwalay sila ni Marjorie noong 2007 ay on and off ang komunikasyon niya sa mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon.
May 2021 noong nagkaroon ng heart-to-heart talk sina Dennis at Julia sa YouTube channel ng huli.
CONTINUE READING BELOW ↓
Read: Has Julia Barretto resolved past issues with dad Dennis Padilla?
Pero the following month ay nawala ang nasabing vlog, at naghimutok din noon ang komedyante sa social media dahil hindi raw siya kasama sa Father’s Day posts ng mga anak.
Read: YouTube vlog ni Julia Barretto with dad Dennis Padilla, nawawala!
Matatandaang nag-post noon si Leon ng open letter sa Instagram, kung saan sinabihan niya si Dennis ng:
“Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?
“Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page?”
At mula noon, hindi na siya kinausap ng tatlong anak, habang patuloy naman si Dennis sa pagpo-post sa social media ng pangungulila niya sa kanila.
Read: Leon Barretto to Dennis Padilla: “You enjoy hurting your kids in public?”
DENNIS PADILLA’S BRIEF EXCHANGE WITH JULIA BARRETTO
Kaya naman masyadong big deal para kay Dennis ang birthday message ni Julia.
Mahaba ba ang palitan nila ng text messages?
“Hindi, nag-text lang siya, may short message siya roon, tapos sumagot ako, and meron din akong short message.
“Tapos yung short message ko, ang sinagot na niya sa akin, icon ng heart. So ang sagot ko, heart din.”
Masasabi ba niyang mas may conscious effort siya ngayon sa mga anak niyang nasa Australia para hindi na maulit ang nangyari sa mga anak niya with Marjorie?
“Hindi siya puwedeng i-compare,” sagot ni Dennis.
“Kasi noong maghiwalay kami ni Marjorie, si Julia was already 10.
“E, this time, noong maghiwalay kami [ni Linda], si Gabbie is only 8. Siyempre, yung utak, mas bata.”
Sundot na tanong ng writer na ito kay Dennis: Hindi kaya magiging negatibo ang dating kay Julia na naging very open siya sa media tungkol sa birthday message niya?
Matatandaang lumala ang gap nilang mag-aama dahil sa madalas niyang pagpo-post sa social media.
“Hindi ko alam, hindi ko sure,” pag-amin ni Dennis.
“Actually, kanina ngang umaga, itatanong ko pa nga lang kay Tita June [Rufino, his manager], gusto kong itanong kay Tita June dahil dalawa o tatlong reporter na ang lumapit sa akin.
“Sabi niya, ‘Dennis, okay lang ba mag-react ka? Kasi, nabalitaan namin na nag-text sa iyo, nag-greet sa iyo si Julia noong birthday mo.’
“So tinatanong ko ang sarili ko, okay lang ba na sabihin ko sa mga press na nag-text siya?
“Sabi ko, hindi ko alam kung tama, pero yun ang nararamdaman ko, na okay lang naman na malaman ng tao. Proud ako.”