Wedding in Visayas gets messy ending – Entertainment News

Pinag-usapan sa social media ang tungkol sa bagong kasal na couple na nag-away sa araw mismo ng kanilang kasal.

Magkaiba ang sinasabi nilang dahilan.

Ayon sa groom, hindi umano pumayag na sumama sa kanya ang bride, na ayaw iwanang mag-isa ang kanyang ina.

Ayon naman sa bride, bigla na lang daw nawala ang groom pagkatapos ng reception ng kanilang kasal.

Inireport ng regional radio station na RPN DYKC Cebu via Facebook nitong February 26, 2024, ang nangyari sa dalawa.

Read: Bride and groom set themselves on fire during their wedding

GROOM’S CAMP SPEAKS UP

Dinepensahan ang groom ng isang kamag-anak.

Saad nito, “Dzai, hindi ka nag-asawa kung takot kang iuwi ng lalaki. Awang-awa ako sa pamangkin ko, pamamanhikan pa lang, malaki na ang nagastos.

“Plus, yung pagpapakasal niyo ura-urada. Ang laki pa ng hinihingi niyo, di niyo man lang naisip… sa pagod, at layo.”

Ang tinutukoy rito ng kamag-anak ay ang dowry o dote na nakaugaliang ibinibigay ng lalaking ikakasal sa pamilya ng kanyang mapapangasawa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng kamag-anak, dumayo pa ang pamilya ng groom mula Pamplona, Negros Oriental, papuntang Bairan, Naga, kung saan nakatira ang pamilya ng bride.

“Natatawa na lang ako sa ina nung babae na ayaw payagan ang anak niyang sumama sa asawa niya dahil mag-isa na lamang daw ito.

“Baka gusto din niya sumama sa lalaki para may kasama ang anak niya.

“Magpasalamat na lang kayo kasi pinakasalan ang inyong anak, ‘tapos ganyan ang gagawin.

“Ang iba nga nanangangarap pakasalan. Hindi niyo naisip, kami ang mapapahiya.

“Kapagod at masakit,” himutok ng kamag-anak ng groom.

Hinintay raw ng mga kamag-anak ang bride, pero ang ending ay hindi raw ito pinasama ng ina.

Read:

BRIDE’S RETORT

May sagot naman ang bride tungkol sa paratang na ayaw raw niyang sumama sa kanyang asawa.

Katuwiran ng babae, gusto muna sana niyang asikasuhin ang mga bisita nila sa kasal, pero hindi na makapaghintay ang groom at iniwan siya.

CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng bride, “Ako, bilang asawa niya, sasama ako. Nakikiusap ako na asikasuhin muna ang mga bisita at ang iba pa naming kamag-anak.

“Pagkatapos kumain, sasama ako pauwi.

“Ngunit, nag-alala talaga ako dahil iniwan na niya ako, hindi man lang nagpaalam sa akin,” himutok ng bride.

“Grabe ang iyak ko, hinanap siya ng mga kamag-anak ko, ngunit wala na siya, umalis na.

“Hindi man lang nagpaalam, grabe ang iyak ko dahil wala na siya.”

NETIZENS REACT

Mabilis namang natukoy ng netizens kung ano ang naging problema ng bagong kasal.

May kanya-kanyang rason sila, pero tila wala silang balak na pakinggan ang isa’t isa.

Komento ng isang netizen, isang kaso raw ito ng “miscommunication o pride” sa pagitan ng newlyweds.

Hirit ng isa pa, “Communication gap,” at hinayaan nilang mag-viral ito kesa mag-usap silang dalawa nang masinsinan.

Hindi malinaw kung magbabati ba sila o tuluyang maghihiwalay, pero ang malinaw, hindi pa sila handang magpakasal.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

comment

comment

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

comments

comments

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Leave a Comment