Ibinahagi ni Carla Abellana ang ilang positibong mensahe na natatanggap niya mula sa buyers at supporters ng kanyang pre-loved items.
Sa Instagram, ipinost ng Kapuso actress ang screenshot ng ilan sa mga ito sa kanyang @carlaabellana_closet account.
Sa isang screenshot, mababasang sinabi ni Carla na pinipintasan ng karamihan ang kanyang mga ibinebenta kaya tiniyak niyang makita muna ng potential buyer ang nakuha nito.
Kung daw nais nitong magpa-refund, maiintindihan naman ni Carla.
Pero sabi ng ng buyer, kukunin niya ang pre-loved item. Okay naman daw ang presyuhan ni Carla.
Sabi naman ng aktres, “It’s always a choice.”
Ayon naman ng isa pang netizen na tama lang ang singil ni Carla sa kanyang mga binebenta.
Caption ni Carla sa post, “Appreciate you po!”
May isa namang pinayuhan siyang huwag na lamang pansinin ang bashers.
Tuigon ni Carla, “Don’t worry, I pay them no mind. I know that only people who know their value would understand. And I focus on them.”
Nitong unang linggo ng Pebrero, binatikos ng ilang netizens si Carla dahil hindi umano fair ang presyo sa quality ng items na ibinebenta niya.
Pero sa isang panayam, mariin itong pinabulaanan ang aktres.
Aniya, “Hindi yun totoo, grabe kayo!”
Paliwanag ni Carla, “I would sell something na much less naman than how much I got it for, di ba? Lalo na dahil yung condition niya depende rin doon.”
Mensahe pa niya sa mga gustong bumili ng kanyang items, “Well, choice naman nila iyon if they’re interested; if they want to buy it or not.”
Read: Carla Abellana reacts to netizens saying she is selling overpriced pre-loved items
CONTINUE READING BELOW ↓