Muling nag-propose for renewal of wedding vows si Yael Yuzon sa asawang si Karylle.
Nangyari ito sa opening ng Kapamilya noontim show na It’s Showtime ngayong Lunes, February 26, 2024.
Bago ito, binati nina Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, at iba pang hosts si Karylle dahil sa successful run ng of Rama, Hari.
At sorpresang dumating si Yael para ipahayag kung gaano ito ka-proud kay Karylle.
Ayon kay Yael, hindi sanay si Karylle na sinusorpresa, mas nais nitong naka-schedule ang bawat galaw.
Maiksing pagbati ni Yael, “I’m very proud as your loving husband.”
Biglang sabi ni Vhong, “Di ba Yael, ten years na kayo?”
Sagot nito, “Magti-ten years na kami na kasal. And alam mo, yung thing kasi na alam mo kasal na kayo ng ten years, parang mas naa-analyze mo yung mga things through the ups and downs, mostly ups, pero sa mga downs mas naa-analyze mo yung mga things.”
Baling nito sa asawa, “Tapos kung sigurado ka back then, mas sigurado ka na now kasi meron na tayong ten years together. Pero meron akong hindi nagawa before. So, I’m gonna do it now.”
Dito na naglabas ng singsing si Yael at lumuhod sa harap ni Karylle. Maririnig ang malakas na sigawan ng audience sa studio.
“Will you marry me again?” tanong niya sa asawa.
“Yes,” tugon ni Karylle.
CONTINUE READING BELOW ↓
Kasunod nito ay niyakap niya si Karylle at hinalikan sa labi.
Kinantahan din ni Yael ang asawa ng “Kay Tagal Kitang Hinintay” na awitin ng kanyang bandang Sponge Cola.
Ayon kay Yael, nung nag-propose siya dati kay Karylle ay nasa kotse lamang sila.
Ikinasal sina Yael at Karylle sa pamamagitan ng isang solemn at private ceremony noong March 21, 2014 sa Silang, Cavite.
Read: Karylle to tie the knot with boyfriend Yael Yuzon in March