Ni-repost sa X (formerly known as Twitter) ng isang Indian industrialist at billionaire na si Anand Mahindra ang isang commercial airplane na nasa tuktok ng isang cliff.
Sa simula, aakalaing naka-park ito doon, pero permanent fixture pala ang Boeing 737 plane sa property.
Base sa three-minute video tour na in-upload sa X account na 11 million followers, Private Jet Villa ang tawag dito at matatagpuan sa Bali, Indonesia.
Sa labas ay mayroon itong terrace at infinity pool kung saan tanaw ang Indian Ocean.
Read: Calamity-proof container house available in the Philippines for PHP170K
An infinity pool under the plane-turned-villa
A view of the Indian Ocean
May living room ito na may bar at sofa bed. May dalawang bedroom na may walk-in closets.
Ang cockpit ay ginawang malaking banyo. Meron din itong outdoor lounges kung saan puwedeng magpa-tan at mag-jacuzzi.
CONTINUE READING BELOW ↓
May bonfire pit at helipad din.
A clear view of the Indian Ocean from inside the living room
Pero paano nahila sa tuktok ng isang cliff sa Pectau, malapit sa Nyang-Nyang beach sa Bali, ang malaking eroplano, na nai-transform into a villa?
Ang eroplano ay dating commercial plane ng Garuda Indonesia, na siyang flag carrier ng bansa.
Binili ito ng Russian developer na si Felix Demin noong 2021, ayon sa 2023 article ng CNN.
Ang pagpaplano at pagdadala ng eroplano sa talampas ay inabot ng dalawang buwan, gamit ang dalawang crane at sa tulong ng mga specialists and awtoridad.
Sa pamamagitan ng videos, ipinakita ni Felix kung paano ang naging construction ng kanyang jet villa.
Read: Pintor, naipatayo ang eleganteng bahay sa Nueva Ecija mula sa pagpipinta sa gitna ng pandemya
Dapat sana ay for personal use ito, pero naisipan niyang i-commercialize ang eroplano, lalo pa’t owner siya ng hotel chain sa Indonesia.
The private jet villa has two bedrooms
Mabusisi ang ginawang pag-aayos sa eroplano dahil partikular si Felix sa gusto niyang itsura nito.
“I want people to experience the ‘wow effect’ from every second of being in this unusual place,” aniya sa CNN interview.
Noong nakaraang taon, magbukas ito para sa booking.
Magkano?
Ayon sa website nito, ang booking ay magsisimula sa $3,200 (PHP179,000) pataas kada gabi.
Ilang tao naman ang puwedeng magkasya sa private jet villa?
Ayon sa website nito: “Private Jet Villa accommodates a maximum of 4 guests overnight, however the stunning villa gardens have space for up to 20 guests for outdoor seated dining or 50 guests for cocktails and canapes.”