Nawalan ng pagkakataon ang isang aktres na makasama sa pelikulang pinilahan sa takilya noong nakaraang taon dahil sa kanyang maselan at mapiling ugali.
Ang aktres ang original choice para gumanap na pangunahing bida sa hit movie. Tinanggap niya ang proyekto dahil kasama sa cast ang isang award-winning veteran actress na kanyang hinahangaan.
Pero hindi natuloy ang partisipasyon ng beteranang aktres at ito ang naging dahilan para tanggihan ng aktres ang proyekto.
Nagtaka ang production staff sa desisyon ng aktres dahil kahit tinanggap ng beteranang aktres ang pelikula, walang eksenang magkasama sila.
Isang higit na nakababatang aktres ang ipinalit sa choosy actress.
Naging mapalad ang nakababatang aktres dahil kahit second choice, kumita sa takilya, nanalo ng mga parangal, at pinuri ng mga film critic ang pelikula.
Bukod sa maselan sa pagtanggap ng mga proyekto, may isang ugali ang aktres na hindi ikinagagalak ng mga nakakasama niya. Pero ibang kuwento naman ito.
Nababahala ang mga nagmamalasakit sa aktres dahil kung hindi siya magbabago, binibigyan niya ng dahilan ang mga movie producer na magdalawang-isip na kunin ang kanyang serbisyo.
Related Stories:
CONTINUE READING BELOW ↓