Miss Universe Organization issues statement on viral leaked video

Pumalag ang Miss Universe Organization (MUO) sa akusasyon ng panloloko at manipulasyon sa resulta ng pageant.

Ito ay kaugnay sa kumalat na video na kuha diumano sa meeting nina Anne Jakkaphong Jakrajutatip, a.k.a. Anne JKN, may-ari ng MUO, at Mexican businessman at MUO shareholder na si Raul Rocha Cantu.

Read: Anne Jakrajutatip nilinaw na partnership at hindi bentahan ng MUO ang deal nila ni Raul Rocha

Bukod sa dalawang nabanggit ay may pito pang tao na kasama sa meeting.

Kung pagbabasehan ang audio ng video ay maririnig si Anne na nagpahayag ng salitang, “They can compete but they cannot win.”

Read: Miss Universe’s credibility questioned over leaked video of Anne JKN

Ang komento ni Anne ay patungkol sa pagpayag ng MUO na luwagan ang qualifications ng mga sasali sa prestigious pageant.

Read:

Ex-Miss Universe President Paula Shugart slams Anne Jakrajutatip for corruption allegations

“Delusional” Clint Bondad posts “goodbye” message apparently from Anne Jakrajutatip

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kung matatandaan, naging makasaysayan ang nakaraang Miss Universe pageant dahil sa paglahok ng mga kandidatang taliwas sa nakaugalian.

Read:

Miss Nicaragua crowned Miss Universe 2023; Michelle Dee reaches Top 10

Who is Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios?

Kasama dito ang pagsali ng mga may asawa, anak, may mabigat na timbang, at mas matanda sa nakasanayang edad ng mga kalahok.

Read:

Miss Universe scraps age restrictions; women of all ages can now join the prestigious pageant

Meet Jane Dipika Garrett, the plus-size winner of Miss Universe Nepal 2023

Social inclusion at female empowerment ang sinabing motibo ng MUO kung bakit nila binago ang rules ng 72-year-old pageant.

Sa pahayag ni Anne base sa kumalat na video ay lumalabas na bagamat papayagang sumali ang mga ito ay hindi rin sila mananalo at sa una pa lang ay wala na silang tsansa.

Dahil dito ay nabahiran ng duda at namantsahan ang kredebilidad ng Miss Universe pageant sa paningin ng publiko.

CONTINUE READING BELOW ↓

CLEARING ITS NAME

Sa statement ng MUO ay sinabi nitong paninira lamang ang video na lumabas at manipulado ito para palabasin na masama ang mga nasa likod ng organisasyon.

Makikita at mababasa ang statement ng MUO sa official website nito.

Ani ng statement, “The Miss Universe Organization has worked tirelessly to promote inclusion, transparency, and integrity, and we will not be swayed by unfounded allegations.”

Sinabi rin sa pahayag na nananatiling tapat ang MUO sa naisin nito na gawing bukas ang patimpalak sa lahat ng nais lumahok, at handa itong maghain ng reklamo sa korte sa mga magtatangkang siraan ang organisasyon.

“We remain committed in our mission to offer equal opportunity and honor the beauty found in every individual, regardless of background or ethnicity,” pagdidiin ng MUO.

MUO’S FULL STATEMENT

Narito ang kabuuan ng pahayag ng MUO kaugnay sa pinakabagong kontrobersiya na kinakaharap nito:

“In light of recent misinformation and attempts to smear the Miss Universe Organization, we reaffirm our unwavering commitment to the core values we have diligently defended over the years.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“The Miss Universe Organization has worked tirelessly to promote inclusion, transparency, and integrity, and we will not be swayed by unfounded allegations.

“We have been informed of malicious attempts by certain individuals to tarnish the reputation of our organization by spreading false accusations.

“These individuals have engaged in the manipulation of digital content and the distortion of facts for personal gain.

“We wish to assure our supporters, sponsors, and partners that these actions will not derail us from our mission.

“Our commitment to inclusion and transparency remains steadfast, and we will take all necessary legal action to address these unethical attempts to besmirch our organization.

“The Miss Universe Organization stands as a beacon of empowerment and diversity, unwavering in our commitment to upholding cherished values.

“We remain committed in our mission to offer equal opportunity and honor the beauty found in every individual, regardless of background or ethnicity.

“Our steadfast dedication to inclusion is exemplified by the leadership of our CEO, Anne Jakrajutatip, whose unwavering dedication has fostered a climate of freedom and equality through her actions.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Leave a Comment